Tukuyin ang mga scam sa mga review at rating

Ang scam ay isang mapanlokong scheme na nanlilinlang ng mga tao para magbigay ng pera o personal na impormasyon. Makikita sa ibaba ang ilang tip para tulungan kang tukuyin ang mga scam na may kaugnayan sa mga review at rating, at ang mga hakbang na puwede mong gawin kung sa palagay mo ay naapektuhan ka nito.

Mga tip para makapagtukoy ng scam

  • Maging alerto sa mga mensahe, email, o tawag sa telepono mula sa mga hindi kilalang contact na nanghihingi o nag-aalok ng pinansyal na transaksyon. 
    • Halimbawa, inalok ka ng scammer ng pera para mag-rate o magsuri ng negosyo sa Google Maps na hindi mo pa nabisita. Kapag nakabuo na sila ng tiwala, posibleng manghingi sila ng pera kapalit ng higit pang katulad na trabaho.
  • Maging alerto sa mga taong nagpapa-transfer ng pera sa iyo mula sa mga gift card, voucher, at cryptocurrency, atbp. para magsagawa ng pagkilos sa Google Maps o iba pang serbisyo ng Google.
    • Halimbawa, naghihingi sa iyo ng bayad ang isang scammer para bigyan ng 5-star na review ang iyong lugar o negosyo. Kung tatanggi ka, puwede silang magbanta na mag-iwan ng mga 1-star na review hanggang sa bayaran mo sila ng pera. 
  • Mag-ingat sa mga taong nagsasabing kinakatawan nila ang Google o anumang iba pang kumpanya, pero nakikipag-ugnayan sa iyo nang walang email address na may kaugnayan sa kumpanya at nagbabahagi ng mga link sa mga kahina-hinalang website. 
    • Halimbawa, pinadalhan ka ng scammer ng invoice para gamitin o ilista ang iyong negosyo sa Google Maps, kahit na libre lang gumawa ng Profile ng Negosyo at ilista ang iyong negosyo sa Google.

Mahalaga: Idinisenyo ang mga scam para pagmadaliin ka. Walang marangal na institusyon ang manghihingi ng bayad para sa iyong personal na impormasyon agad-agad. Matuto pa tungkol sa mga scam.

Iulat ang kahina-hinalang aktibidad

Kung makakita ka ng content o profile na sa palagay mo ay lumalabag sa aming mga patakaran, iulat kaagad ang mga ito:

Mahalaga: Puwede ka ring maghain ng ulat sa mga ahensya ng pamahalaan. Matuto pa tungkol sa pag-uulat ng mga ahensya ng pamahalaan.

Paano tinutugunan ng Google Maps ang mga scammer

Hindi kami nagpaparaya ng mga scammer. Tuloy-tuloy na sumusubaybay ang Google Maps para sa mga mapanlokong content. Kapag nakahanap kami ng mga scammer, magsasagawa kami ng hanay ng mga pagkilos laban sa kanila na kinabibilangan ng:

  • Pag-alis ng content
  • Pagsuspinde ng account
  • Paglilitis

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9751582505199209282
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false