Iapela ang mga pagkilos sa pagpapatupad ng patakaran sa content na binuo ng user ng Maps

Na-update na ang patakarang ito. Makikita mo ang kasalukuyang patakaran dito.

Paminsan-minsan, nag-aalis kami ng content o pinaghihigpitan namin ang kakayahan ng mga Google Account na mag-post sa publiko kapag may natukoy na mga paglabag sa aming patakaran sa content na binuo ng user ng Maps (“patakaran sa content”) sa Maps, Search, at iba pang serbisyo ng Google sa web. Gayunpaman, nauunawaan naming kung minsan ay nagkakamali kami. 

Kung sa palagay mo ay mali na nagsagawa ng pagkilos sa iyong content sa Maps o Google Account, baka puwede kang mag-apela sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang sa ibaba. 

Tandaan: Ang proseso ng pag-apela na ito ay para sa mga paglabag sa patakaran sa Maps, pero puwedeng maganap o makita ang paglabag sa ibang serbisyo. Available lang ang pag-apela para sa ilang partikular na uri ng paglabag sa patakaran sa content at Google Account sa ngayon. Ang mga pagsangguni sa proseso ng pag-apela sa mga notification mula sa Google ay hindi kumpirmasyon ng pagiging kwalipikado.

Bago ka magsimula, suriin ang patakaran sa content na binugo ng user ng Maps. Naglilista rin kami ng mga halimbawa ng Ipinagbabawal at pinaghihigpitang content at aktibidad na puwedeng humantong sa pagkaalis ng content o paghihigpit sa kakayahang mag-post sa publiko.

Mag-apela ng pag-aalis ng content

Ang status ng iyong content sa Maps, kasama ang kung inalis o hindi ang content dahil sa paglabag sa patakaran, ay makikita sa page ng profile mo sa Maps. Posibleng alisin ang content dahil direkta itong lumalabag sa aming mga patakaran o dahil nilalabag ng aktibidad sa Google Account ang aming mga patakaran. Para sa karamihan ng mga paglabag, maiaapela mo ang pag-alis ng content at pagsubaybay sa pag-usad ng apela sa page ng iyong profile sa Maps.
Tandaan: Kapag na-delete o na-edit ang lumalabag na content pagkatapos magsumite ng apela, makakansela ang apela. 

Mag-apela ng mga desisyon

Kapag nagkaroon na ng desisyon sa iyong apela, aabisuhan ka tungkol sa desisyon at mangyayari ang isa sa sumusunod:

  • Naaprubahang apela: Kung natukoy naming mali ang pag-aalis sa content, ire-restore namin ang content.
  • Tinanggihang apela: Kung natukoy naming lumalabag ang content sa aming mga patakaran, hindi pa rin ibabalik ang content.
  • Nakanselang apela: Puwedeng makansela ang mga apela kung, halimbawa, na-edit o na-delete ang inaapelang content, o hindi na kwalipikado ang Google Account para sa pag-apela. 

Isang beses lang puwedeng iapela ang mga pag-aalis ng content. 

Iapela ang paghihigpit sa pag-post sa publiko

Ang status ng iyong Google Account, kasama ang kung pinaghihigpitan o hindi ang access mo sa pag-post sa publiko dahil sa paglabag sa patakaran, ay makikita sa page ng mga setting ng iyong Google Account. Puwedeng paghigpitan ang pag-post sa publiko dahil sa mga lumalabag na gawi pati na rin sa pag-post ng lumalabag na content. Kapag pinaghigpitan ang kakayahan ng isang Google Account na mag-post sa publiko, puwede ring alisin ang ibang content na na-post ng Google Account. 

Para sa ilang partikular na paglabag, maiaapela mo ang paghihigpit sa paglabag sa pamamagitan ng page na mga setting ng iyong Google Account. Kung inalis ang content mo dahil sa pag-post ng paghihigpit, susuriin din ang mga pag-aalis ng content bilang bahagi ng iyong apela. 

Mag-apela ng mga desisyon

Kapag nasuri na ang aktibidad sa Google Account at nagkaroon na ng desisyon sa iyong apela, ipapaalam sa iyo ang tungkol sa desisyon at mangyayari ang isa sa sumusunod:

  • Naaprubahang apela: Kung nakumpirma naming sumusunod ang aktibidad sa Google Account sa aming mga patakaran, ire-restore namin ang kakayahan ng Google Account na mag-post sa publiko.
  • Tinanggihang apela: Kung natukoy naming posibleng hindi sumunod ang Google Account sa aming mga patakaran, posibleng manatiling pinapaghigpitan ang kakayahan ng Google Account na mag-post sa publiko at posibleng hindi pa rin ibalik ang content ng Google Account. 
  • Nakanselang apela: Posibleng kanselahin ang mga apela kung, halimbawa, hindi na kwalipikado ang Google Account sa pag-apela. 

Isang beses lang puwedeng iapela ang mga paghihigpit sa pag-post sa publiko.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15376663163238299166
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false