Para matiyak ang mas maaasahang experience para sa mga user, ang Maps sa Android ay hindi na gagana sa bersyon 10.15 ng app o mas luma at hindi na magbibigay ng mga bagong release para sa Android 7.1 o mas luma pagkalipas ng Hulyo 2024.
Tip: Matuto pa tungkol sa kung paano hanapin ang bersyon ng iyong Google Maps app at alamin ang bersyon ng Android mo.
I-update ang mga bersyon ng Android app
Kung bersyon 10.15 ang iyong app o mas luma, at Android 7.2 ang device mo at mas bago:
- Mag-update sa mas bagong bersyon ng Google Maps.
- Bisitahin ang google.com/maps sa iyong mobile browser para gamitin ang Google Maps sa Web.
- I-download ang Maps Go
Mga isyu sa pag-update
Kung hindi mo ma-update ang iyong app, hindi na sinusuportahan ng bersyon mo ng Android OS ang mas bagong bersyon ng Google Maps app (kung bersyon 7.1 ng Android ang iyong device o mas luma, at bersyon 10.15 ang app mo o mas luma).
- Para makuha ang pinakabagong Google Maps app sa Android, mag-update sa pinakabagong Android OS.
- Bisitahin ang google.com/maps sa iyong mobile browser para gamitin ang Google Maps sa Web.
Lumutas ng mga isyu sa mga sirang link
1. Sa iyong mobile device, buksan ang Play Store app .
2. Sa Play Store, hanapin ang Google Maps.
3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-update.
Tip: Kung hindi mo ma-update ang app, buksan ang google.com/maps sa iyong browser.