Kung kailangan naming magdagdag o mag-edit ng impormasyon sa Google Maps, puwede mo itong ipaalam sa amin. Kasama sa mga error sa kalsada ng Google Maps ang:
- Mga mali o nawawalang pangalan ng kalsada
- Maling impormasyon tungkol sa mga one-way at two-way na kalsada
- Isang kalsadang mali ang pagkakaguhit
- Mga saradong kalsada
- Isang kalsada sa mapa na wala naman
- Mga nawawalang kalsada
Mahalaga: Sa ilang bansa at rehiyon ka lang puwedeng magsumite ng mga pag-edit sa Maps.
Ayusin ang maling impormasyon tungkol sa isang kalsada
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- Sa ibaba, i-tap ang Mag-ambag
.
- I-tap ang I-update ang kalsada.
- Piliin ang uri ng impormasyong gusto mong ayusin
Piliin ang apektadong kalsada.
- Sa mga tile sa ibaba, piliin ang segment ng kalsada na gusto mong ayusin at i-tap ang Susunod.
- Ilagay ang tamang impormasyon at i-tap ang Ipadala.
Magdagdag ng nawawalang kalsada
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- Sa ibaba, i-tap ang Mag-ambag
.
- I-tap ang I-update ang kalsada
Nawawalang kalsada.
- Ilipat ang mapa sa kung saan nagsisimula ang nawawalang kalsada.
- Sa ibaba, i-tap ang Magsimulang gumuhit.
- Para iguhit ang kalsada, ilipat ang mapa.
- Para hubugin ang kalsada, sa ibaba, i-tap ang Magdagdag ng point.
- Pagkatapos mong gumuhit, i-tap ang Susunod.
- Piliin ang uri ng kalsada.
- Kung available, idagdag ang pangalan ng kalsada.
- I-tap ang Susunod.
- I-tap ang Isumite
OK.
- Para magdagdag ng maraming nawawalang kalsada nang sabay-sabay, Magdagdag ng isa pang kalsada ang i-tap.