Magdagdag o mag-ayos ng kalsada sa Google Maps

Kung kailangan naming magdagdag o mag-edit ng impormasyon sa Google Maps, puwede mo itong ipaalam sa amin. Kasama sa mga error sa kalsada ng Google Maps ang:

  • Mga mali o nawawalang pangalan ng kalsada
  • Maling impormasyon tungkol sa mga one-way at two-way na kalsada
  • Isang kalsadang mali ang pagkakaguhit
  • Mga saradong kalsada
  • Isang kalsada sa mapa na wala naman
  • Mga nawawalang kalsada
Mahalaga: Sa ilang bansa at rehiyon ka lang puwedeng magsumite ng mga pag-edit sa Maps.

Pagtatama ng maling impormasyon tungkol sa isang kalsada

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang "Menu" Menu .
  3. Sa kaliwa, i-click ang I-edit ang mapa at pagkatapos ay Magdagdag o mag-ayos ng kalsada.
  4. Sa mapa, piliin ang kalsadang gusto mong i-pave.
  5. Sa kaliwa, i-verify ang napiling kahabaan ng kalsada.
  6. Sa ilalim ng "I-edit ang impormasyon," piliin ang uri ng impormasyon na gusto mong itama at ilagay ang pagtatama.
  7. I-click ang Tapos na.

Magdagdag ng nawawalang kalsada

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. I-click ang Menu Menu.
  3. Sa kaliwa, i-click ang I-edit ang mapa at pagkatapos Magdagdag o mag-ayos ng kalsada.
  4. Sa itaas, i-click ang Magdagdag ng kalsada.
  5. Sa mapa, i-click ang lokasyon kung saan nagsisimula ang nawawalang kalsada at i-drag ito kung saan nagtatapos ang kalsada. 
  6. Sa kaliwa, idagdag ang pangalan at uri ng kalsada at i-click ang Tapos na.
    • Para magdagdag ng iba pang nawawalang kalsada, ulitin ang hakbang 4-6.
  7. I-click ang Tapos na

Lagyan ng label na Pribado ang isang kalsada

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang "Menu" Menu.
  3. Sa kaliwa, i-click ang I-edit ang mapa at pagkatapos Magdagdag o mag-ayos ng kalsada.
  4. Sa mapa, piliin ang kalsadang gusto mong i-update.
  5. Sa kaliwa, piliin kung para ito sa isang segment, o sa buong napiling kalsada.
  6. Sa kaliwa, piliin ang opsyong “Pribadong kalsada.”
  7. I-click ang Tapos na.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
7514750229017193685
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
76697
false
false
false
false