Kung kailangan naming magdagdag o mag-edit ng impormasyon sa Google Maps, puwede mo itong ipaalam sa amin. Kasama sa mga error sa kalsada ng Google Maps ang:
- Mga maling pangalan ng kalsada
- Maling impormasyon tungkol sa one-way at two-way na kalsada
- Maling pagkakaguhit ng kalsada
- Mga saradong kalsada
- Walang kalsadang katulad ng nasa mapa
- Mga nawawalang kalsada
- Mga maling lokasyon ng pananda.
Mahalaga: Sa ilang bansa at rehiyon ka lang puwedeng magsumite ng mga pag-edit sa Maps.
Ayusin ang maling impormasyon tungkol sa isang kalsada
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app .
- Sa ibaba, i-tap ang tab na "Mag-ambag."
- I-tap ang I-edit ang mapa Magdagdag o mag-ayos ng kalsada Mag-ayos ng kalsada.
- I-tap ang kalsadang gusto mong ayusin Susunod.
- Piliin ang uri ng impormasyong gusto mong ayusin at ilagay ang wastong impormasyon.
- I-tap ang Ipadala.
Magdagdag ng nawawalang kalsada
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app .
- Sa ibaba, i-tap ang tab na "Mag-ambag."
- I-tap ang I-edit ang mapa Magdagdag o mag-ayos ng kalsada.
- I-tap ang Gumuhit ng nawawalang kalsada.
- I-tap ang "Magdagdag ng unang kalsada."
- Ilipat ang pin sa lokasyon kung saan nagsisimula ang nawawalang kalsada.
- Sa ibaba, i-tap ang plus para simulang mag-drawing.
- I-drag ang pin sa lokasyon kung saan nagtatapos ang kalsada at i-tap ang plus .
- Idagdag ang pangalan at uri ng kalsada at i-tap ang I-save.
- Para kumpletuhin ang kalsada, i-tap ang Tapos na .
- Para magdagdag pa ng mga nawawalang kalsada, i-tap ang "Magdagdag pa ng kalsada" at sundin ang hakbang 6-10.
- Para isumite ang kalsada, i-tap ang Susunod. Magdagdag pa ng detalye kung mayroon man at i-tap ang Ipadala.