Puwede mong makita ang history ng iyong pag-sign in, kasama ang mga petsa at oras na ginamit ang iyong Gmail account. Puwede mo ring makita ang mga IP address na ginamit para ma-access ang iyong account.
Tingnan ang iyong Aktibidad sa Account
- Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
- Sa kanang ibaba, i-click ang Mga Detalye.
Tip: Puwede mo ring bisitahin ang page ng Mga kamakailang event tungkol sa seguridad para makita ang mga update sa seguridad para sa iyong buong Google Account.
Impormasyong ipinapakita sa page na "Aktibidad sa account na ito"
Makikita sa page na "Aktibidad sa account na ito" ang iyong mga record ng pag-sign in, at kasama rito ang impormasyon sa ibaba.
Sa seksyong "Impormasyon tungkol sa kasabay na session," makikita mo kung naka-sign in ka sa Gmail sa ibang device, browser, o lokasyon.
Sa seksyong "Uri ng access," makikita mo ang browser, device, o mail server (tulad ng POP o IMAP) kung saan mo na-access ang Gmail.
Kung pinahintulutan mo ang isang application, makikita mo ang lokasyon (IP Address) ng application ng 3rd party.
Puwede mong makita ang huling 10 IP address at tinatayang lokasyon na nag-access sa iyong Gmail account.
Kung nakakuha ka ng babala tungkol sa kahina-hinalang aktibidad sa iyong account, puwede mo ring makita ang hanggang sa 3 karagdagang IP address na may label na kahina-hinala.
May ilang dahilan kung bakit puwede mong makita ang maraming IP address o lokasyon sa iyong aktibidad:
- Kung gumagamit ka ng POP o IMAP para mabasa ang iyong mail sa iba pang serbisyo, tulad ng Apple Mail o Microsoft Outlook, isasama rin ang lokasyon ng impormasyon na ito.
- Kung gumagamit ka ng Mail Fetcher, lalabas ang Google IP dahil kinukuha ang iyong mga mensahe sa pamamagitan ng server ng Google.
- Kung gumagamit ka ng Gmail sa isang telepono o tablet, puwedeng lumabas ang lokasyon ng iyong serbisyo sa Internet o mobile carrier. Posibleng isa itong lokasyon na malayo mula sa iyo. Basta't tumutugma ang pangalan ng carrier sa iyo, hindi ito kakaiba.
Mag-troubleshoot ng mga problema
Kung hindi mo nakikilala ang aktibidad sa page, tulad ng lokasyon o uri ng access, puwedeng mayroong access ang ibang tao sa iyong account dahil sa phishing o malware.
- Agad na baguhin ang iyong password.
- Sundin ang mga tip sa seguridad ng Gmail para tulungang protektahan ang iyong account.