Notification

Sa kasalukuyan, available ang feature na ito sa pinagsama-samang karanasan sa Google Workspace. Para makapagsimula sa karanasang ito, bisitahin ang artikulong ito.

Pamahalaan ang iyong mga file sa mga space sa Gmail

Para gumamit ng mga space at file sa Gmail, i-on ang Google Chat sa iyong mga setting ng Gmail. Alamin kung paano i-on o i-off ang Chat sa Gmail

Tingnan at pamahalaan ang mga file sa isang space sa Gmail

Magagawa mong tumingin ng listahan ng mga file, link, at media na nakabahagi sa isang space, magbukas ng file, at magdagdag ng file sa Drive. Kung magde-delete ka ng mensahe sa chat na may nakabahaging file, made-delete din ito sa space.

Kung magde-delete ka ng file sa Drive, mananatili ang link ng file sa space hanggang sa i-delete mo ito mula sa mensahe ng chat kung saan ito ibinahagi. Kapag na-delete mo ang file mula sa mensahe ng chat, aalisin ang link ng file sa chat at sa tab na Nakabahagi ng space.

  1. Buksan ang Gmail.
  2. Piliin ang space.
  3. Sa itaas, i-tap ang tab na Mga File .
    • Tip: Kung hindi nakikita ang tab na Mga File, palawakin at gawing full screen ang space. Ang mga file ay pinagbubukud-bukod ayon sa petsa at lumalabas kapag naka-on ang history.
  4. Para buksan ang isang file, i-tap ang pangalan ng file.
    • Para sa Google Docs, Sheets, at Slides: Bubukas ang file sa tabi ng pag-uusap sa window ng chat.
    • Para sa iba pang file sa Google: Bubukas ang file sa bagong tab ng browser. 
    • Para sa lahat ng iba pang uri ng mga file: Bubukas ang file bilang preview sa full-screen.

Tip:  Kung hindi idinagdag sa Drive ang isang file, i-tap ang pangalan ng file para i-download ito. Bubukas ang mga PDF at video file sa bagong tab ng browser.

Mag-attach ng file

Puwede kang mag-attach ng mga file na hanggang 200-MB sa mga format na ito:

  • .bmp
  • .gif
  • .jpg
  • .png
  • .wbmp
  • .heic

Maglagay ng larawan

  1. Sa mga space, pumunta sa mensahe o pag-uusap.
  2. I-tap ang Maglagay ng larawan .
  3. Piliin ang file na gusto mong ipadala.
  4. I-tap ang Ipadala .

Kumuha at magpadala ng larawan

  1. Sa mga space, pumunta sa mensahe o pag-uusap.
  2. I-tap ang Menu ng pagkilos Add at pagkatapos Camera Scan.
  3. Kumuha ng larawan.
  4. I-tap ang Ipadala ​​​​​​​.
Puwede kang mag-attach ng file sa Google spaces sa ilang magkakaibang paraan. Sa Google spaces, pumunta sa mensahe o pag-uusap at pumili ng opsyon:

Mag-attach ng file mula sa Google Drive

  1. I-tap ang Menu ng pagkilos Add at pagkatapos ay Drive .
  2. Piliin ang file na gusto mong ipadala. Puwedeng file ito sa iyong Drive, o file na ia-upload mo mula sa iyong desktop o mga download.
    • Pagkatapos mong piliin ang file na idaragdag sa space, hihilingin sa iyong pumili ng mga setting ng pag-access para sa mga miyembro ng space. Kung mae-edit mo ang file, makakakita ka ng opsyong magbigay ng access sa Pagtingin, Pagkomento, o Pag-edit sa lahat ng nasa space. Kung magbibigay ka ng access sa lahat ng nasa space, malalapat ito sa mga taong sasali sa space sa ibang pagkakataon.
  3. I-tap ang Ipadala .

Mag-attach ng file mula sa tab na Mga File

  1. I-tap ang Magdagdag ng file .
  2. Piliin ang file na gusto mong ipadala.
    • Kapag ipinadala mo ang file, bibigyan ka ng babala kung walang access ang space o ang isang tao sa space. Kung mae-edit mo ang file, makakakita ka ng opsyong magbigay ng access sa Pagtingin, Pagkomento, o Pag-edit sa lahat ng nasa space. Kung magbibigay ka ng access sa lahat ng nasa space, malalapat din ito sa mga taong sasali sa space sa ibang pagkakataon.
  3. I-tap ang Ipadala .
Mga file na naka-block sa Chat

May ilang dahilan kung bakit posible kang makatanggap ng error sa pag-upload sa Google Chat. Bina-block ng Chat ang mga file o link na posibleng magkalat ng mga virus, gaya ng mga nae-execute na file. Para matugunan ang mapaminsalang software, regular na ina-update ng Chat ang mga uri ng file na hindi pinapayagan.

Hindi ka makakapag-attach ng ilang partikular na uri ng file. Kasama sa mga ito ang:

  • ADE, ADP, APK, BAT, CAB, CHM, CMD, COM, CPL, DLL, DMG, EXE, HTA, INS, ISP, JAR, JS, JSE, LIB, LNK, MDE, MSC, MSI, MSP, MST, NSH, PIF, SCR, SCT, SHB, SYS, VB, VBE, VBS, VXD, WSC, WSF, at WSH.
    Kasama sa listahang ito ang anumang naka-compress na anyo, gaya ng mga GZ o BZ2 file, o ang mga file na nakikita sa mga archive, gaya ng mga ZIP o TGZ file.
  • Mga dokumentong may mga makakapinsalang macro.
  • Mga archive na pinoprotektahan ng password, na archive ang content

Kung hindi nakalista sa itaas ang isang naka-block na file at sigurado kang ligtas ang naka-block na file, i-upload ang file sa Drive at pagkatapos ay ipadala ang file bilang attachement sa Drive.

Mag-alis ng file

Mahalaga: Dapat kang gumamit ng Google Workspace account para alisin ang isang file sa isang space.

  1. Sa ibaba ng menu ng pag-navigate, i-tap ang Mga Space at pagkatapos piliin ang space.
  2. Sa itaas, i-click ang tab na Nakabahagi. Sa tabi ng file, i-click ang Tingnan sa chat .
  3. Mag-hover sa mensahe kung nasaan ang file.
  4. I-click ang Higit pang pagkilos at pagkatapos ay I-delete at pagkatapos ay I-delete.

Mga Tip:

  • Kung magde-delete ka ng file sa Drive, mananatili ang link ng file sa space hanggang sa i-delete mo ito mula sa mensahe ng chat kung saan ito ibinahagi.
    • Kung hindi mo ito ide-delete sa chat, magpapakita ang link ng file ng mensaheng "Nasa Trash ang File" kapag pinili mo ito.
    • Kung hindi mo ito ide-delete sa chat at nabakante ang trash ng Drive, hindi mo mabubuksan ang file mula sa link.
  • Kapag na-delete mo ang file mula sa mensahe ng chat, aalisin ang link ng file sa chat at sa tab na Nakabahagi ng space.
Ayusin at pamahalaan ang iyong mga file sa Google Drive
  • Para magdagdag ng file sa Google Drive, i-tap ang Idagdag sa Drive Idagdag sa Aking Drive.
  • Kung mayroon kang pahintulot na maglipat ng file sa Drive, i-tap ang Ilipat .
  • Kung wala kang pahintulot na maglipat ng file sa Drive, i-tap ang Magdagdag ng shortcut sa Drive .
  • Kung gumawa ka ng shortcut papunta sa isang file, i-tap ang Magdagdag ng iba pang shortcut sa Drive .

Tip: Para buksan ang isang mensahe sa chat na may nakabahaging file, i-tap ang Tingnan sa Chat .

Matuto pa tungkol sa pamamahala ng mga shortcut para sa mga file na nasa Google Drive

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17617386581843967685
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false