Humiling o magbalik ng resibo na nabasa na

Available lang ang feature na ito kung gumagamit ka ng Gmail para sa trabaho o paaralan na na-set up ng isang administrator. Kung gumagamit ka ng gmail.com account, hindi gagana ang mga resibo na nabasa na.

Para malaman kung kailan nabuksan ang ipinadala mong email, puwede kang humiling ng resibo na nabasa na. Ipinapadala sa iyo ang resibo na nabasa na bilang email na may kasamang oras at petsa kung kailan nabuksan ang mensahe mo.

Humiling ng resibo na nabasa na

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. I-click ang Mag-email.
  3. Gumawa ng iyong email gaya ng karaniwan mong ginagawa. 
  4. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Higit pang opsyon Higit pang opsyon sa pagpapadala at pagkatapos ay Humiling ng resibo na nabasa na
  5. Ipadala ang iyong mensahe.

Mahalaga: Makikita mo ang anumang resibo na nabasa na sa iyong Inbox. Ang taong pinadalhan mo ng mensahe ay kakailanganing aprubahan ang resibo na nabasa na bago ka maabisuhan.

Magbalik ng resibo na nabasa na

Kung makakatanggap ka ng mensaheng humihiling ng resibo na nabasa na, at gusto ng organisasyon mo na aprubahan muna ito:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Tingnan ang iyong mga email gaya ng karaniwan mong ginagawa.
  3. Kung sasabihin sa iyo ng mensahe na humiling ng resibo na nabasa na ang nagpadala, pumili ng opsyon:
    • Para ipadala na ang resibo, i-click ang Ipadala ang mga resibo.
    • Para ipadala ang resibo sa ibang pagkakataon, i-click ang Huwag muna. Hihilingin sa iyong ipadala ang resibo sa susunod na buksan mo ang mensahe.

Tip: Kung may hihiling ng resibo na nabasa na, pero hindi mo nakikita ang mensahe, awtomatikong naipadala ang iyong resibo.

Kapag hindi ibinalik ang mga resibo

Gumagana ang mga resibo na nabasa na sa karamihan ng mga email system, pero hindi ka makakatanggap ng resibo na nabasa na kung:

  • Magpapadala ka ng mensahe sa mailing list o alias ng isang grupo.
  • Paghihigpitan ng iyong administrator ang mga resibo sa mga tao na nasa organisasyon mo o sa mga partikular na tao na wala sa iyong organisasyon.
  • Gagamit ang tatanggap ng isang email program na hindi nagsi-sync nang real time (tulad ng Post Office Protocol [POP] client na nagsi-sync lang on demand, o ng G Suite Sync client).
  • Magbabalik ang tatanggap ng resibo na nabasa na sa isang email client gamit ang Internet Message Access Protocol (IMAP) at hindi awtomatikong ipapadala ang mga resibo na nabasa na.

Huwag umasa sa mga resibo para i-certify ang paghahatid

Ang pagtanggap ng resibo na nabasa na ay hindi palaging nangangahulugang nabasa ng tatanggap ang iyong mensahe. Ang paggana ng resibo ay depende sa ginagamit na email system ng iyong tatanggap.

Halimbawa, puwede kang makatanggap ng resibo na nabasa na kung ang isang taong gumagamit ng email client na batay sa IMAP ay mamarkahan ang iyong mensahe bilang nabasa na, pero hindi niya ito bubuksan. Puwedeng hindi magbalik ng mga resibo ang ilan sa mga hindi-IMAP na mobile email system.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3834899395301370470
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false