Gamitin ang Smart na Pag-email

Maaari mong pahintulutan ang Gmail na tulungan kang gumawa ng mga email nang mas mabilis. Pinapagana ang Smart na Pag-email na feature ng machine learning at magbibigay ng mga mungkahi habang nagta-type ka.

Tandaan: Ang Smart na Pag-email ay isang setting na nasa antas ng Google Account. Inilalapat ang mga pagbabago sa mga setting ng Smart na Pag-email sa anumang device kung saan naka-sign in ang iyong account.

Para tanggapin ang isang mungkahi, mag-swipe sa gray na text. 

I-on o i-off ang Smart na Pag-email  

Bilang default, awtomatikong magbibigay ang Gmail ng mga mungkahi. Para ihintong makita ang mga mungkahing ito:

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Gmail app .
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu  at pagkatapos ay Mga Setting 
  3. Piliin ang iyong account.
  4. Para i-off ang mga paghula, i-off ang Smart na Pag-email. Para i-on ang mga paghula, i-off ang Smart na Pag-email

Tandaan: Available ang Smart na Pag-email sa English, Spanish, French, Italian, at Portuguese. Ang Smart na Pag-email ay hindi dinisenyo para magbigay ng mga sagot at maaaring hindi palaging mahulaan ang mga tamang impormasyon ayon sa katunayan.

I-on o i-off ang mga custom na mungkahi 

Bilang default, awtomatikong magbibigay ang Gmail ng mga mungkahi batay sa iyong istilo ng pagsusulat. 
Tandaan: Maaari lang baguhin ang mga custom na mungkahi mula sa isang computer.

Sa isang computer, sundin ang mga hakbang na ito para i-off o i-on muli ang mga custom na mungkahi.

Tungkol sa mga custom na mungkahi

Ang mga naka-personalize na mungkahi ng Smart na Pag-email ay iniaangkop sa paraan ng iyong karaniwang pagsulat, para mapanatili ang istilo mo ng pagsulat. Ikaw lang ang makakakita ng iyong sariling pribado at naka-personalize na mga mungkahi para sa account mo. Walang ibang user, kabilang ang mga administrator para sa iyong organisasyon ang makakakita ng mga naka-personalize na mungkahi mo. Kapag naka-off ang pag-personalize, makikita mo ang mga generic na mungkahi habang nagta-type ka.

Tungkol sa machine learning

Habang gumagamit ang mga modelo ng pag-unawa sa wika ng bilyon-bilyon ng mga karaniwang parirala at pangungusap para awtomatikong malaman ang tungkol sa mundo, puwede rin ipakita ng mga ito ang mga cognitive bias ng tao. Magandang simula ang malaman ang tungkol dito, at ang pag-uusap sa kung paano ito pamamahalaan ay nagpapatuloy pa rin. Nangangako ang Google sa paggawa ng mga produkto na gumagana nang mahusay para sa lahat, at aktibong sinasaliksik ang mga hindi nilalayong bias at estratehiya para sa pagpigil.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11271893314652168284
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false