Gumawa ng signature sa Gmail

Ang isang signature sa email ay text, tulad ng iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan o isang paboritong kasabihan, na awtomatikong idinaragdag sa dulo ng mga mensahe sa Gmail bilang footer.

Magdagdag o magbago ng signature

Puwede kang maglagay ng hanggang 10,000 character sa iyong signature.

  1. Buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting at pagkatapos Tingnan ang lahat ng setting.
  3. Sa seksyong "Signature," idagdag ang text ng iyong signature sa kahon. Kung gusto mo, maaari mong i-format ang iyong mensahe sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang larawan o pagpapalit ng istilo ng text.
    • Tip: Isasama rin sa limitasyon sa bilang ng character ang larawan mo. Kung makakakuha ka ng error, subukang i-resize ag larawan.
  4. Sa ibaba ng page, i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.

Mamahala ng maraming signature

Puwede kang gumamit ng iba't ibang signature para sa iyong mga email. Halimbawa, puwede kang magtakda ng default na signature para sa mga bagong email na isusulat o tutugunan mo. Puwede kang pumili ng ibang signature sa bawat email na ipapadala mo.

Tip: Kung gusto mong baguhin ang iyong signature habang nagsusulat ka ng email, sa ibaba ng window, i-click ang Maglagay ng signature pen.
Mag-edit ng mga signature
  1. Buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting at pagkatapos Tingnan ang lahat ng setting.
  3. Sa ilalim ng "Pangkalahatan," mag-scroll sa "Signature" at i-click ang signature na gusto mong i-edit.
  4. Gamitin ang kahon ng text para isagawa ang iyong mga pagbabago.
    • Para palitan ang pangalan ng signature, i-click ang I-edit I-edit.
  5. Sa ibaba, i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.

Tip: Puwede ka ring pumili ng default na signature para sa mga bagong email at mga email na sinasagot mo.

Mag-alis ng mga signature
  1. Buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting at pagkatapos Tingnan ang lahat ng setting.
  3. Sa ilalim ng "Pangkalahatan," mag-scroll sa "Signature."
  4. I-click ang signature na gusto mong alisin.
  5. I-click ang I-delete  at pagkatapos I-delete.
  6. Sa ibaba, i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.

Magdagdag ng signature kung ginagamit mo ang feature na "Ipadala ang mail bilang"

Kung gagamitin mo ang “Ipadala ang mail bilang" na feature para magpadala mula sa iba't ibang mga address sa iyong account, maaari kang magdagdag ng iba't ibang signature para sa bawat address.

Para pumili ng address, gamitin ang drop-down na menu sa itaas ng kahon para sa text ng signature sa page ng Mga Setting.

Kung hindi mo nakikita ang drop-down na menu:

  1. Buksan ang page ng mga setting ng Mga Account at Pag-import.
  2. Tingnan na ang iyong mga address ay nakalista sa seksyong "Ipadala ang mail bilang."

Mag-troubleshoot ng mga isyu

Kung mayroon kang mga problema sa mga larawan sa isang signature sa Gmail, alamin kung paano i-troubleshoot ang mga isyu sa mga signature sa Gmail. 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15532535258405978435
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false