Magagawa mong mag-print ng mga indibidwal na mensahe o i-print ang lahat ng mensahe sa isang pag-uusap.
Mag-print ng isang email
Kung maraming email sa parehong pag-uusap, puwede mong i-print lang ang isa sa mga email na iyon.
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Gmail app
.
- Buksan ang email na gusto mong i-print.
- Sa kanang bahagi sa itaas ng email, i-tap ang Higit Pa
I-print.
Mag-print ng email na may mga sagot
Kung maraming email sa parehong pag-uusap, puwede mong sabay-sabay na i-print ang lahat ng email na iyon.
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Gmail app
.
- Buksan ang pag-uusap na gusto mong i-print.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit Pa
I-print lahat.
Hindi makapag-print ng email o mga attachment
Posibleng nai-on ng nagpadala ang confidential mode para maipadala ang email, na pumipigil sa pag-print ng text ng mensahe at mga attachment.
Alamin ang tungkol sa mga mensaheng ipinadala sa confidential mode.