I-block ang mga email ng isang tao

Kung nakakakuha ka ng mga email na ayaw mong makita sa iyong Gmail inbox, maaari mong i-block ang nagpadala o mag-unsubscribe sa kanya, o iulat ang mensahe sa Gmail. 

Tandaan: Kung mayroong gagamit ng Gmail para manligalig, manakot, o magbanta sa iyo, lumalabag siya sa Mga Patakaran ng Programa ng Gmail. Kung sa palagay mong nasa panganib ka, makipag-ugnayan kaagad sa iyong mga lokal na awtoridad, at tanungin kung naaangkop sa iyong sitwasyon ang anumang batas sa panliligalig sa internet.

Mag-block ng email address

Kapag nag-block ka ng sender, mapupunta sa Spam ang mga mensaheng ipapadala niya sa iyo.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Buksan ang mensahe.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa.
  4. I-click ang I-block si [nagpadala].

Tip: Kung hindi mo sinasadyang na-block ang isang tao, puwede mo siyang i-unblock gamit ang parehong mga hakbang.

Mag-unsubscribe mula sa maramihang email

Kung nag-sign up ka sa isang site na nagpapadala ng maraming email, tulad ng mga promosyon o newsletter, puwede mong gamitin ang link sa pag-unsubscribe para hindi na makatanggap ng mga email na ito. Pagkatapos mong mag-unsubscribe, puwedeng abutin nang ilang araw bago huminto ang mailing list sa pagpapadala sa iyo ng mga mensahe.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Magbukas ng email mula sa nagpadala kung saan mo gustong mag-unsubscribe.
  3. Sa tabi ng pangalan ng nagpadala, i-click ang Mag-unsubscribe.
  4. Sa pop-up, i-click ang Mag-unsubscribe.
    • Baka kailanganin ng ilang nagpapadala na i-click mo ang Pumunta sa website para mag-unsubscribe sa kanilang mga email.
  5. Opsyonal: Kapag nag-unsubscribe ka na, sa banner, i-click ang Ilipat sa spam.

Mga Tip:

  • Puwede ka ring mag-unsubscribe kapag tinitingnan ang iyong listahan ng mga email. Para mag-unsubscribe, mag-hover sa isang email at i-click ang Mag-unsubscribe.
  • Kapag nag-unsubscribe ka, sa halip na pangalan ng nagpadala, puwede kang makakita ng natatanging identifier para sa isang mailing list o list ID.

Alisin ang spam o mga kahina-hinalang email

Mag-alis at mag-block ng spam sa aking inbox

Sinusubukang pigilan ng Gmail na makapasok ang spam sa iyong inbox, pero kung minsan ay may mga nakakalusot pa ring mensahe. Kung makakita ka ng spam na mensahe sa inbox mo:

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Lagyan ng check ang kahon sa kaliwang bahagi ng mensahe o buksan ang mensahe.
  3. Sa bandang itaas ng page, i-click ang Iulat Bilang Spam .

Tip: Kapag nag-click ka sa Iulat na spam  o manual mong inilipat ang isang email sa iyong folder ng Spam, makakatanggap ang Google ng kopya ng email at posibleng suriin ito para tulungang protektahan ang aming mga user mula sa spam at pang-aabuso.

May kahina-hinalang email na humingi ng personal na impormasyon

Kung makakakita ka ng kahina-hinalang email na humihingi ng personal na impormasyon, puwede mong iulat ang email para sa phishing.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Buksan ang email na gusto mo.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa.
  4. I-click ang Iulat bilang phishing.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3489244913372856369
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false