Magpadala at magbukas ng mga kumpidensyal na email

Puwede kang magpadala ng mga mensahe at attachment gamit ang confidential mode ng Gmail para maprotektahan ang sensitibong impormasyon laban sa walang pahintulot na pag-access. Magagamit mo ang confidential mode para magtakda ng petsa ng pag-expire para sa mga mensahe o mag-alis ng access anumang oras. Madi-disable para sa mga tatanggap ng kumpidensyal na mensahe ang mga opsyong magpasa, kumopya, mag-print, at mag-download.

Mahalaga: Bagama't nakakatulong ang confidential mode na pigilang maibahagi nang hindi sinasadya ng mga tatanggap ang iyong email, hindi nito mapipigilan ang mga tatanggap sa pagkuha ng mga screenshot o larawan ng mga mensahe o attachment mo. Puwede pa ring makopya o ma-download ng mga tatanggap na may mga nakakapinsalang program sa kanilang computer ang iyong mga mensahe o attachment.

Gusto mong bang masulit ang mga Google app sa trabaho o paaralan?  Mag-sign up para sa isang Google Workspace libreng trial.
Alamin kung paano gumagana ang mga kumpidensyal na email
Sa animation na ito para sa confidential mode sa Gmail, iki-click ni Lisa ang icon ng confidential mode sa ibaba ng mensahe, pagkatapos ay magpapadala siya ng kumpidensyal na mensahe kay Sam
Mahalaga: Sa English lang available ang content sa animation na ito.

Magpadala ng mga mensahe at attachment sa kumpidensyal na paraan

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Gmail app .
  2. I-tap ang Mag-email.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Confidential mode.
    • Kung ini-on mo na ang confidential mode, pumunta sa ibaba ng email, pagkatapos ay i-tap ang I-edit.
  4. I-on ang Confidential mode
  5. Magtakda ng petsa ng pag-expire at passcode. Nakakaapekto ang mga setting na ito sa text ng mensahe at sa anumang attachment. 
    • Kung pipiliin mo ang "Karaniwan," direkta itong mabubuksan ng mga tatanggap na gumagamit ng Gmail app. Papadalhan ng passcode sa email ang mga tatanggap na hindi gumagamit ng Gmail.
    • Kung pipiliin mo ang "passcode sa SMS," makakakuha ng passcode ang mga tagatanggap sa pamamagitan ng text message. Tiyaking ilalagay mo ang numero ng telepono ng tatanggap, at hindi ang sa iyo.
  6. I-tap ang Tapos na Done.

Maagang mag-alis ng access

Mapipigilan mo ang iyong tatanggap na buksan ang email bago ang petsa ng pag-expire.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Gmail app .
  2. I-tap ang Menu Menu at pagkatapos ay Naipadala.
  3. Buksan ang kumpidensyal na email.
  4. Sa ibaba ng screen, i-tap ang Alisin ang access

Buksan ang isang email gamit ang confidential mode

Kung gumamit ng confidential mode ang nagpadala para ipadala ang email:

  • Puwede mong buksan ang mensahe at mga attachment hanggang sa petsa ng pag-expire o hanggang sa alisin ng nagpadala ang access.
  • Idi-disable ang mga opsyon para kopyahin, i-paste, i-download, i-print, at ipasa ang text ng mensahe at mga attachment.
  • Posibleng kailanganin mong maglagay ng passcode para buksan ang email.
Gumagamit ako ng Gmail account
  1. Buksan ang email.
  2. Kung hindi humihingi ng SMS passcode ang nagpadala:
    • Kung ginagamit mo ang mga pinakabagong Gmail app (web o mobile), direkta mong makikita ang email kapag binuksan mo ito.
    • Kung gumagamit ka ng ibang email client, buksan ang email, mag-click sa link na Tingnan ang email at mag-sign in gamit ang iyong mga kredensyal sa Google para buksan ang mensahe.
  3. Kung humihingi ng SMS passcode ang nagpadala:
    1. Piliin ang Magpadala ng passcode.
    2. Tingnan ang iyong text message para sa passcode.
    3. Ilagay ang passcode, pagkatapos ay piliin ang Isumite.
Gumagamit ako ng ibang email account
  1. Buksan ang email.
  2. Piliin ang Tingnan ang email..
    • May magbubukas na bagong page.
  3. Piliin ang Magpadala ng passcode.
  4. Tingnan ang iyong mga text message o email para sa passcode.
  5. Ilagay ang passcode, pagkatapos ay piliin ang Isumite.

Nakakakuha ako ng error

Nag-expire na ang email

Posibleng na-delete ng nagpadala ang email o inalis niya ang iyong access bago ang petsa ng pag-expire. Makipag-ugnayan sa nagpadala para mabigyan ka ng higit pang panahon o para maipadala ulit ang email.

Ang ibinigay na numero ay para sa hindi sinusuportahang bansa

Puwede ka lang magdagdag ng mga SMS passcode para sa mga numero ng telepono mula sa mga rehiyong ito:

  • North America
  • South America
  • Europe
  • Australia
  • Asia: India, Korea, at Japan
Lumipat ng account
Tiyaking naka-sign in ka sa tamang Google Account na nauugnay sa email ng tatanggap. Pagkatapos, subukang buksan ulit ang email.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12765176431403098503
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false