Mag-delete o mag-recover ng mga mensahe sa Gmail

Kapag nag-delete ka ng mensahe, mananatili ito sa iyong trash sa loob ng 30 araw. Pagkalipas ng 30 araw, permanenteng ide-delete ang mensahe sa iyong account at hindi na ito mare-recover.

Mag-delete ng isa o higit pang mensahe

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Sa kaliwa ng bawat mensaheng gusto mong i-delete, lagyan ng check ang kahon.
  3. Sa itaas, i-click ang I-delete .

Tip: Para mag-delete ng mensahe sa isang thread:

  1. Buksan ang mensahe.
  2. Sa tabi ng Sumagot , i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-delete ang mensaheng ito.

I-delete ang lahat ng mensahe sa isang kategorya

Animation na nagpapakita kung paano i-delete ang lahat ng mensahe sa iyong inbox sa Gmail o iba pang kategorya sa computer mo

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Sa kaliwa, piliin ang iyong inbox, label, o iba pang kategorya.
  3. Sa kaliwang bahagi sa itaas, sa itaas ng iyong mga mensahe, lagyan ng check ang kahon ng Pumili. 
    • Magpapakita ng notification na nagsasaad ng bilang ng mga napiling pag-uusap. Para piliin ang lahat ng mensahe, i-click ang link sa notification.
  4. Sa itaas, i-click ang I-delete .

Alisin ang laman ng iyong trash

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Sa kaliwa, i-click ang Higit pa at pagkatapos ay Trash.
  3. Sa kaliwa ng bawat mensaheng gusto mong permanenteng i-delete, lagyan ng check ang kahon.
  4. Sa itaas, i-click ang I-delete nang tuluyan.

Tip: Kung ide-delete mo ang lahat ng mensahe sa iyong trash, sa notification, i-click ang Alisin ang laman ng Trash ngayon.

Mag-recover ng mga mensahe mula sa iyong trash

Mahalaga: Hindi mo mare-recover ang mga mensaheng permanente nang na-delete o mahigit 30 araw nang nasa trash.

Kung na-delete mo ang iyong mga mensahe sa loob ng nakalipas na 30 araw, puwede mong ilabas sa trash ang mga ito.

Animation na nagpapakita kung paano ilipat ang mga mensahe mula sa iyong trash sa Gmail papunta sa ibang lokasyon sa computer mo

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Sa kaliwa, i-click ang Higit pa at pagkatapos ay Trash.
  3. Sa kaliwa ng bawat mensaheng gusto mong i-recover, lagyan ng check ang kahon.
  4. Sa itaas, i-click ang Ilipat sa .
  5. Sa menu ng “Ilipat sa,” piliin kung saan mo gustong ilipat ang mga mensahe.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
442086907503320647
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false