Para protektahan ang iyong mga email, ine-encrypt ng Gmail ang mga ito habang inililipat gamit ang transport-layer security (TLS), at kadalasang puwede mong suriin ang seguridad ng mga ito. Matuto tungkol sa TLS.
Kung gumagamit ka ng account sa trabaho o paaralan, posibleng may mga available na karagdagang uri ng pag-encrypt. Matuto tungkol sa pag-encrypt ng email sa Gmail.
Suriin ang pag-encrypt ng mga natatanggap na email
Mahalaga: Sa iyong iPhone o iPad, matitingnan mo lang ang uri ng pag-encrypt para sa mga email na natanggap mo.
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Gmail app
.
- Sa itaas, sa tabi ng recipient, i-tap ang Ipakita ang mga detalye
.
- Tingnan ang uri ng pag-encrypt:
- Karaniwang pag-encrypt (TLS)
- Pinahusay na pag-encrypt (S/MIME)
- Walang sinusuportahang pag-encrypt
Ang dapat gawin kung hindi naka-encrypt ang isang email
- Kung walang suporta sa mga parehong uri ng pag-encrypt na mayroon ang Gmail ang serbisyo ng email ng recipient, posibleng makatanggap ka ng babala o icon na pulang lock
. Alisin ang mga hindi naka-encrypt na address o pribadong detalye bago ka magpadala.
- Kung makakatanggap ka ng hindi naka-encrypt na email na may sensitibong data, ipaalam ito sa sender.
- Kung gumagamit ka ng S/MIME, ine-encrypt ang mga email kapag puwede. Kailangan mo ng valid na S/MIME certificate mula sa pinagkakatiwalaang source para makapag-sign o makatanggap ng mga S/MIME na email.
Alamin kung bakit hindi naka-encrypt ang mga email
Para gumana ang karaniwang pag-encrypt, kailangang palaging gumamit ng TLS ang mga email provider ng sender at ng recipient.
Walang suporta sa pag-encrypt ang emailPuwedeng makapagpadala pero hindi makatanggap mula sa Gmail ng mga naka-encrypt na email ang ilang email provider.
Kung sasagot ka sa mga ganitong mensahe mula sa Gmail, posibleng makita ang icon na pulang lock .
Posibleng makatanggap ka ng babala kahit naka-encrypt ang iyong email kapag:
- May mga isyu sa pag-encrypt ang mga dating provider.
- Hindi direktang ipinapadala ng Gmail ang mensahe. Halimbawa, kung nag-set up ka ng custom na domain name tulad ng
name@yourdomain.com
, posibleng lumabas ang icon na pulang lock.