Gumawa ng mga panuntunan para i-filter ang iyong mga email

Gusto mong bang masulit ang mga Google app sa trabaho o paaralan?  Mag-sign up para sa isang Google Workspace libreng trial.

Sa iyong computer, mapapamahalaan mo ang papasok mong mail gamit ang mga filter ng Gmail para ipadala ang email sa isang label, o para i-archive, i-delete, lagyan ng star, o awtomatikong ipasa ang iyong mail.

Gumawa ng filter

  1. Buksan ang Gmail.
  2. Sa box para sa paghahanap sa itaas, i-click ang Ipakita ang mga opsyon sa paghahanap i-tune ang mga larawan .
  3. Ilagay ang iyong mga pamantayan sa paghahanap. Kung gusto mong tingnan na gumana nang tama ang iyong paghahanap, tingnan kung anong mga email ang lalabas sa pamamagitan ng pag-click sa Hanapin. 
  4. Sa ibaba ng window para sa paghahanap, i-click ang Gumawa ng filter.
  5. Piliin kung ano ang gusto mong gawin ng filter.
  6. I-click ang Gumawa ng filter.

Tandaan: Kapag gumawa ka ng filter para ipasa ang mga mensahe, mga bagong mensahe lang ang maaapektuhan. ​Bukod pa rito, kapag may sumagot sa isang mensaheng na-filter mo, mafi-filter lang ang sagot kung nakakatugon ito sa parehong pamantayan sa paghahanap. 

Gumamit ng partikular na mensahe para gumawa ng isang filter

  1. Buksan ang Gmail.
  2. Lagyan ng check ang checkbox sa tabi ng email na gusto mo. 
  3. I-click ang Higit pa Higit pa.
  4. I-click ang I-filter ang mga mensahe na katulad ng mga ito.
  5. Ilagay ang iyong mga pamantayan para sa filter.
  6. I-click ang Gawin ang filter.

Mag-edit o mag-delete ng mga filter

  1. Buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. I-click ang Mga Filter at Naka-block na Address.
  4. Hanapin ang filter na gusto mong baguhin.
  5. I-click ang I-edit o I-delete para alisin ang filter. Kung ini-edit mo ang filter, i-click ang Magpatuloy kapag tapos ka na sa pag-edit.
  6. I-click ang I-update ang filterOK.

Mag-export o mag-import ng mga filter

Kung may backup ka ng mga filter mo, puwede mong i-import ang mga filter sa Gmail. Puwede mo ring i-export ang mga filter mo.

  1. Buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. I-click ang Mga Filter at Naka-block na Address.
  4. Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng filter. 
I-import ang isang filter

  1. Sa ibaba ng page, i-click ang I-import ang mga filter
  2. Piliin ang file na may filter na gusto mong i-import.
  3. I-click ang Buksan ang file.
  4. I-click ang Gumawa ng mga filter
I-export ang isang filter

  1. Sa ibaba ng page, i-click ang I-export
  2. Bibigyan ka nito ng isang .xml file, na puwede mong i-edit sa isang text editor kung gugustuhin mo.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4337001112422006052
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false