Kung ayaw mong tanggalin ang mga lumang mensahe, maaari mong i-archive ang mga ito. Kapag nag-archive ka ng mensahe, hindi na ito lalabas sa iyong inbox, pero mahahanap mo pa rin ito sa ilalim ng label na “Lahat ng mail.”
Mag-archive ng mensahe
Mahalaga: Kung may tutugon sa isang mensaheng na-archive mo, babalik ito sa iyong inbox.
- Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
- Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng mensahe.
- Sa itaas, i-click ang I-archive
.
Tip: Para mag-archive ng mensahe gamit ang keyboard shortcut:
- Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng mensahe.
- Pindutin ang E.
Hanapin ang mga naka-archive na mensahe
- Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
- Sa kaliwa, i-click ang Higit pa
Lahat ng Mail.
Tip: Para maghanap ng mga naka-archive na mensahe:
- Sa itaas ng Gmail, i-click ang search bar.
- Ilagay ang:
in:archive
Maglipat ng naka-archive na mensahe sa iyong inbox
- Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
- Hanapin ang naka-archive na mensahe.
- Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng mensahe.
- Sa itaas, i-click ang Ilipat sa Inbox
.