Mga sinusuportahang browser

Puwede mong gamitin ang Gmail sa mga sikat na browser gaya ng Chrome, Firefox, at Safari.

Mga browser na sinusuportahan ng Gmail

Mahalaga: Kailangang naka-on ang cookies at JavaScript sa anumang browser na gagamitin mo.

PInakamahusay na gumagana ang Gmail sa pinakabago at huling mas lumang bersyon ng mga browser na ito:

Pumunta sa Gmail sa iyong browser

  1. Sa iyong computer, pumunta sa gmail.com.
  2. Mag-sign in sa Gmail.

I-troubleshoot ang mga error sa browser

Hindi sinusuportahan ang browser

"Hindi sinusuportahan ang browser na ito."

Kung gumagamit ka ng browser kung saan nagagamit ang Gmail at natanggap mo ang mensahe ng error na ito, posibleng extension ang nagdudulot ng problema. Subukang i-off ang mga extension ng iyong browser.

Kung gumagamit ka ng Chrome, alamin kung paano pamahalaan ang mga extension.

Error sa JavaScript

"Para makapag-log in sa Gmail, nakatakda dapat ang browser mo na payagang magtakda ng cookies ang JavaScript."

Kung matatanggap mo ang mensaheng ito, buksan ang mga setting ng seguridad ng iyong browser at idagdag ang https://mail.google.com sa iyong mga pinagkakatiwalaang site.

"Oops! Hindi gagana ang Gmail dahil naka-disable ang JavaScript sa iyong web browser."

Kung matatanggap mo ang mensaheng ito, i-on ang JavaScript, pagkatapos ay i-refresh ang page. Iba-iba ang mga tagubilin para sa pagbago ng mga setting ng iyong JavaScript ayon sa browser, kaya hanapin ang JavaScript at ang pangalan ng browser para mahanap ang tamang page ng tulong.

Kung gumagamit ka ng Chrome, alamin kung paano baguhin ang mga setting ng site.

Error sa cookie

"Naka-off ang functionality ng cookie ng iyong browser. Paki-on ito."

Kung matatanggap mo ang mensaheng ito, hanapin ang pangalan ng iyong browser at cookies para makakita ng mga tagubilin. Kung gumagamit ka ng Chrome, alamin kung paano i-enable ang cookies.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12992073771626618795
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false