Magdagdag ng iba pang email account sa Gmail app

Sa halip na magpasa ng email, puwede mong gamitin ang Gmail app para magbasa at magpadala ng email mula sa Yahoo, Outlook, at iba pang email address.

Gusto mong bang masulit ang mga Google app sa trabaho o paaralan?  Mag-sign up para sa isang Google Workspace libreng trial.

Gamit ang hindi Google na email account, magagamit mo ang marami sa mga feature ng Gmail na nagagamit mo rin sa mga Google Account:

Puwede kang magdagdag ng hanggang 5 email address sa iyong Gmail account.

Magdagdag o mag-alis ng email account

Puwede kang magdagdag ng Gmail at hindi Gmail na account sa Gmail app para sa Android.

Magdagdag ng isang account
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Gmail app .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong larawan sa profile.
  3. I-tap ang Add another account.
  4. Piliin ang uri ng account na gusto mong idagdag.
    • Para sa Gmail, i-tap ang Google.
    • Para gumamit ng iCloud Mail, @me.com, o @mac.com account, i-tap ang iCloud.
    • Kung titingnan mo ang mga email sa trabaho o paaralan sa pamamagitan ng Outlook para sa Windows, piliin ang Outlook, Hotmail, at Live.
    • Kung hindi mo nakikita ang iyong email provider, piliin ang Iba pa.
  5. Para idagdag ang iyong account, sundin ang mga hakbang sa screen.

Tip: Para makuha ang mga feature tulad ng proteksyon sa spam at mga kategorya ng email para sa mga hindi Gmail account, i-tap ang Subukan ang Gmailify. Puwede ka ring kumuha ng mga feature ng Gmail para sa iba mo pang email account.

Mag-alis ng account
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Gmail app .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong larawan sa profile.
  3. I-tap ang Pamahalaan ang mga account sa device na ito.
  4. I-tap ang email account na gusto mong alisin.
  5. I-tap ang Alisin ang account.

Lumipat o hanapin ang lahat ng mensahe mula sa iyong mga email account

Lumipat ng email account

Mahalaga: Mananatiling magkakahiwalay ang mga mensahe sa Gmail app para sa bawat account.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Gmail app .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong larawan sa profile.
  3. I-tap ang account na gusto mong gamitin.
Hanapin ang lahat ng mensahe mula sa lahat ng email account
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Gmail app .
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menu at pagkatapos ay Lahat ng inbox.

Ayusin ang mga isyu sa pagdaragdag ng account sa Gmail app

Hindi tinatanggap ang username at password

Mahalaga: Kung sinusubukan mong magdagdag ng iCloud Mail account sa Gmail, alamin kung paano ilagay ang mga setting ng iCloud Mail.

Tingnan sa iba mo pang serbisyo ng email ang mga sumusunod:

  • Ang tamang server, port, at mga setting ng seguridad
  • Kung kailangan mo ng password na partikular sa app para makapag-sign in.

Natanggap mo ang mensaheng: "Hindi ginagarantiya ang seguridad ng email"

Kung hindi sinusuportahan ng iba mo pang serbisyo ng email ang pinakamataas na antas ng seguridad para sa iyong mga mensahe, ipapakita namin sa iyo ang babalang ito.

Kung hindi malala ang isyu, magkakaroon ka ng opsyong idagdag ang iyong account gamit ang hindi secure na koneksyon:

  1. I-tap ang dropdown menu ng "Uri ng seguridad."
  2. Piliin ang Wala.

Mahalaga: Kapag pinili mo ang opsyong ito, hindi ie-encrypt ang iyong koneksyon sa serbisyo ng email mo. Ang ibig sabihin nito ay posibleng may makahanap sa username, password, o impormasyon ng mensahe ng iyong idinagdag na account.

May error sa certificate

Kung nakatanggap ka ng mensahe ng error tungkol sa certificate, posibleng walang suporta sa secure na koneksyon ang iba mong serbisyo ng email. Kabilang sa mga halimbawa ng mensahe ng error sa certificate ang:

  • "Hindi pinagkakatiwalaan ang certificate"
  • "Nag-expire na o hindi pa valid ang certificate"
  • "Binago ang certificate"
  • "Hindi magkatugma ang paksa at hostname ng certificate"
  • "Hindi nahanap ang certificate"

Para makatulong na maayos ang error, puwede mo itong iulat sa iba mo pang serbisyo ng email:

  1. Sa mensahe ng error, i-tap ang Higit pang impormasyon.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit paat pagkatapos ay Ibahagi.
    • Posibleng kailangan mong hanapin ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng iba mo pang serbisyo ng email.

Nagkaproblema, o hindi nakapagbukas ng koneksyon sa server ang Gmail

Hindi ka puwedeng magdagdag ng mga hindi IMAP na account, tulad ng Exchange at POP, sa iyong Gmail app. Kung nagdaragdag ka ng ibang uri ng account, makipag-ugnayan sa email provider mo para matiyak na naka-on ang IMAP.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3924353051684001961
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false