Palitan ang iyong larawan sa profile sa Gmail

Puwede kang pumili ng larawang itatakda bilang iyong larawan sa profile sa Gmail. Lalabas ang larawang ito kapag nakita ng isang tao ang iyong pangalan sa kanyang inbox ng email o listahan ng chat. Kung gumagamit sila ng iPhone o iPad, puwede ring lumabas ang larawan sa mga notification ng mga paparating na mensahe sa chat na ipinapadala mo sa kanila.

Ang iyong larawan sa profile sa Gmail ay pareho sa larawan sa Google Account mo. Alamin kung paano palitan ang pangalan at iba pang impormasyon sa iyong Google Account.

Gusto mong bang masulit ang mga Google app sa trabaho o paaralan?  Mag-sign up para sa isang Google Workspace libreng trial.

Baguhin ang iyong larawan

  1.  Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang iyong Larawan sa profile at pagkatapos ay Pamahalaan ang iyong Google Account.
  3. Sa kaliwa, i-click ang Personal na impormasyon.
  4. Sa kanan, sa ilalim ng “Larawan,” piliin ang iyong Larawan sa profile. Lalabas ang iyong larawan sa profile.
  5. Sundin ang mga prompt sa screen para pumili o kumuha ng larawan.
  6. I-click ang Itakda Bilang Larawan sa Profile.

Maghanap ng lumang larawan sa profile

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang iyong Larawan sa profile at pagkatapos ay Pamahalaan ang iyong Google Account.
  3. Sa kaliwa, i-click ang Personal na impormasyon.
  4. Sa kanan, sa ilalim ng “Larawan,” piliin ang iyong Larawan sa profile. Lalabas ang iyong larawan sa profile.
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa  at pagkatapos ay Mga dating larawan sa profile.

Kaugnay na artikulo

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10938893999698227152
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false