Magdagdag o mag-alis ng mga kategorya ng inbox at tab sa Gmail

Pagbukud-bukurin ang.iyong mga email sa iba't ibang tab ng inbox, gaya ng Social o Mga Promosyon. Kapag binuksan mo ang Gmail, hindi mo kailangang sabay-sabay na makita ang lahat ng email.

Gusto mong bang masulit ang mga Google app sa trabaho o paaralan?  Mag-sign up para sa isang Google Workspace libreng trial.

Magdagdag o mag-alis ng mga tab ng kategorya

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. I-click ang tab na Inbox.
  4. Sa seksyong "Uri ng Inbox," piliin ang Default. Tandaan: Para itago ang lahat ng tab, pumili ng isa pang uri ng inbox.
  5. Sa seksyong "Mga Kategorya," lagyan ng check ang mga kahon ng mga tab na gusto mong ipakita. Tandaan: Hindi ka maaaring gumawa ng mga bagong tab, maaari mo lang ipakita o itago ang mga dati na.
  6. Mag-scroll sa ibaba, pagkatapos ay i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.

Tip: Kung na-on mo ang mga notification, makakatanggap ka lang ng mga notification tungkol sa mga email sa iyong Pangunahing kategorya.

Maglipat ng email sa bagong kategorya

1. Mag-drag ng email papunta sa isang tab ng kategorya para maidagdag ito.
2. Para ilipat sa kategoryang iyon ang lahat ng email sa hinaharap mula sa nagpadalang iyon, sa pop-up na notification sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-click ang Oo.  

Maghanap ng mga email sa isang kategorya

Hindi mahanap ang mga email sa isang kategorya

Hindi lalabas ang mga in-archive na email sa kanilang mga tab ng kategorya.

Para hanapin ang mga email na na-archive mo, hanapin ang email sa kahon sa itaas ng page.

Maghanap ng isang kategorya

I-type ang kategorya: pagkatapos ay ang pangalan ng kategorya bago ang iyong termino para sa paghahanap.


Halimbawa, magpapakita sa iyo ang category:social party ng mga email sa tab na Social na may kasamang "party."


Magagamit ang mga kategoryang ito sa mga paghahanap, kahit hindi kasalukuyang naka-enable ang kategorya bilang tab:

  • Pangunahin—Mga email mula sa mga taong kilala mo at mensaheng hindi lumalabas sa iba pang tab.
  • Social—Mga mensahe mula sa mga social network at site ng pagbabahagi ng media.
  • Mga Promosyon—Mga deal, alok, at iba pang pampromosyong email.
  • Mga Update—Mga notification, kumpirmasyon, resibo, singil, at statement.
  • Mga Forum—Mga mensahe mula sa mga online na grupo, board ng talakayan, at mailing list.
  • Mga Pagpapareserba—Mga pagkumpirma ng flight, pag-book ng hotel, at pagpapareserba sa restaurant.
  • Mga Pagbili— Mga email ng order, pagpapadala, at paghahatid.

Tip: Hindi mae-enable bilang mga tab ang “Mga Pagpapareserba” at “Mga Pagbili,” pero magagamit ang mga ito sa mga paghahanap at filter.

I-off ang pag-bundle ng promosyon

Kung gagamitin mo ang Default na uri ng inbox, iba-bundle ng Gmail ang mga pampromosyong email sa ilalim ng tab na Mga Promosyon.

I-off ang setting na ito:

  1. Buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting  at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting
  3. I-click ang Inbox at pagkatapos ay i-untick ang "I-enable ang pag-bundle ng mga email ng nangungunang promo sa Mga Promosyon."

Matuto pa tungkol sa kung paano gumagana ang mga ad sa Gmail.

Baguhin ang mga notification para sa bawat kategorya

Puwede kang pumili ng iba't ibang mga notification para sa bawat kategorya. Matuto pa tungkol sa mga notification.

Tingnan ang bilang ng mga mensahe sa iyong inbox

Sa Gmail, nakagrupo sa mga pag-uusap ang mga tugon sa isang mensahe. Sa iyong inbox, makikita mo ang bilang ng mga pag-uusap na mayroon ka, ngunit hindi ang mga mensahe.

Sundin ang mga hakbang na ito para makita kung ilang mensahe ang nasa iyong inbox:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail. Hindi mo makikita ang kabuuang bilang ng mga mensahe mula sa Gmail app.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Mag-scroll pababa sa seksyong "View ng pag-uusap."
  4. Piliin ang Naka-off ang tingnan ang mga pag-uusap.
  5. Sa ibaba ng page, i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.
  6. Bumalik sa iyong inbox para makita ang bilang ng mga mensahe na mayroon ka. Kung marami kang seksyon o kategorya, tiyaking sumahin ang bilang na mula sa bawat seksyon.
  7. Kapag tapos ka na, bumalik sa mga setting at i-on ang "View ng pag-uusap."

Hindi ko ma-on ang mga kategorya ng inbox

Kung mayroon kang mahigit sa 250,000 mensahe sa iyong inbox, hindi mo magagawang i-on ang mga kategorya ng inbox.

Para maging mababa sa limitasyong ito, puwede mong i-archive o i-delete ang mga mensahe.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17807395970153444059
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false