Magdagdag o mag-alis ng mga kategorya ng inbox sa Gmail

Para tumulong na panatilihing maayos ang iyong inbox, gamitin ang mga kategorya ng inbox. Gamit ang mga kategorya ng inbox, awtomatikong pagbubukod-bukurin ng Gmail ang iyong mga email sa iba't ibang kategorya, gaya ng mga update sa social media o promosyon.
Gusto mong bang masulit ang mga Google app sa trabaho o paaralan?  Mag-sign up para sa isang Google Workspace libreng trial.

Matuto tungkol sa mga kategorya ng inbox

Kapag na-on mo ang uri ng inbox na "Default," puwede mong ipakita ang isa o higit pang kategorya sa iyong inbox:

  • Pangunahin: Mga email mula sa mga taong kilala mo at mensaheng hindi lumalabas sa iba pang tab.
  • Social: Mga mensahe mula sa mga social network at site ng pagbabahagi ng media.
  • Mga Promosyon: Mga deal, alok, at iba pang pampromosyong email.
  • Mga Update: Mga naka-automate na pagkumpirma, notification, statement, at paalalang posibleng hindi mangailangan ng agarang atensyon.
  • Mga Forum: Mga mensahe mula sa mga online na grupo, board ng talakayan, at mailing list.
Tip: Kung mayroon kang mahigit 250,000 email sa iyong inbox, hindi mo mao-on ang mga kategorya ng inbox. Para hindi lumampas sa limitasyon, i-delete o i-archive ang iyong mga email

Magdagdag o mag-alis ng mga kategorya ng inbox

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. Sa itaas, i-click ang Inbox.
  4. Sa seksyong "Uri ng Inbox," piliin ang Default.
  5. Sa seksyong "Mga Kategorya," lagyan ng check ang kahon sa tabi ng kategorya.
    • Para ipakita ang mga mensaheng naka-star sa kategoryang "Pangunahin," lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "Isama ang naka-star sa Pangunahin."
    • Para payagan ang mga nangungunang promosyon sa kategoryang "Mga Promosyon," lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "I-enable ang pag-bundle ng mga email ng nangungunang promo sa Mga Promosyon."
  6. Sa ibaba ng page, i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.

Tip: Kung io-on mo ang mga notification para sa bagong mail, makakatanggap ka lang ng mga notification tungkol sa mga mensahe sa kategoryang "Pangunahin." Alamin kung paano gumagana ang mga notification ng Gmail.

I-off ang mga kategorya ng inbox

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi itaas, i-click ang Mga Setting .
  3. I-click ang Tingnan ang lahat ng setting.
  4. Sa itaas, i-click ang Inbox.
  5. Sa seksyong "Uri ng inbox," i-uncheck ang isa o higit pang kategorya.
  6. Para itago ang lahat ng kategorya ng inbox:

Maghanap ng mga email sa isang kategorya

Mahalaga: Hindi lalabas sa mga kategorya ng inbox ang mga naka-archive na email. Para hanapin ang mga naka-archive na email, pumunta sa label na "Lahat ng mail" sa Gmail.

  1. Sa itaas, sa search bar, ilagay ang category:.
  2. Ilagay ang pangalan ng kategorya bago ang iyong termino para sa paghahanap:
    • primary
    • social
    • updates
    • forums
    • reservations
    • purchases

Halimbawa, magpapakita sa iyo ang category:social party ng mga email sa kategoryang "Social" na may kasamang "party."

Tip: Bagaman makakapaghanap ka ng mga email na tumutugma sa mga kategoryang "Reservations" o "Purchases," hindi mo mapipili ang mga kategoryang ito sa iyong inbox.

  • Reservations: Mga pagkumpirma ng flight, pag-book ng hotel, at pagpapareserba sa restaurant.
  • Purchases: Mga pagkumpirma ng order, pagpapadala, at paghahatid.

Pahusayin kung paano pinagbubukod-bukod ng Gmail ang iyong mga email

Para manatiling kontrolado kung saan napupunta ang iyong email sa kategorya ng inbox, puwede kang:

  • Maglipat ng mensahe mula sa isang kategorya papunta sa ibang kategorya:
    1. Sa iyong computer, mag-drag at mag-drop ng email sa isang kategorya.
    2. Sa notification, para kumpirmahing gusto mong ipadala sa kategorya ang lahat ng email mula sa sender, i-click ang Oo.
  • Lagyan ng star ang isang email: Kapag nilagyan mo ng star ang isang email, lalabas ito sa iyong kategoryang "Pangunahin" at mananatili ito sa anumang kategorya kung nasaan ito. Alamin kung paano lagyan ng star ang mga email.
  • Gumawa ng filter: Sa Gmail, mag-set up ng filter na magmamarka sa email mula sa mga partikular na sender bilang mahalaga o magdidirekta rito sa pipiliin mong kategorya. Alamin kung paano mag-set up ng mga filter.
  • Magdagdag ng mga sender sa Google Contacts: Kapag nagdagdag ka ng sender sa iyong listahan ng contact, sasabihin nito sa Gmail na nakatanggap ka ng email mula sa isang kakilala mo. Alamin kung paano magdagdag ng mga contact.
  • Sumagot sa email: Kapag nakipag-ugnayan ka sa isang sender, sasabihin nito sa Gmail na kilala mo ang sender. Alamin kung paano sumagot sa Gmail.

Tingnan ang bilang ng mga mensahe sa iyong inbox

Sa Gmail, nakagrupo sa mga pag-uusap ang mga tugon sa isang mensahe. Sa iyong inbox, makikita mo ang bilang ng mga pag-uusap na mayroon ka, pero hindi ang mga mensahe.

Sundin ang mga hakbang na ito para makita kung ilang mensahe ang nasa iyong inbox:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
    • Hindi mo makikita ang kabuuang bilang ng mga mensahe mula sa Gmail app.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting.
  3. I-click ang Tingnan ang lahat ng setting.
  4. Mag-scroll pababa sa seksyong "View ng pag-uusap."
  5. I-off ang View ng pag-uusap.
  6. Sa ibaba ng page, i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.
  7. Para tingnan ang bilang ng mga mensahe, pumunta sa iyong inbox.
    • Kung marami kang seksyon o kategorya, pagsama-samahin ang mga bilang mula sa bawat kategorya.
  8. Kapag tapos ka na, bumalik sa page ng mga Setting.
  9. I-on ang View ng pag-uusap.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9078775232229285762
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false