Kapag nakatanggap ka ng email na may attachment, puwede mong i-download sa iyong device ang attachment.
Mga opsyon sa pag-download
Mag-download ng attachment sa iyong computer- Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
- Magbukas ng mensahe.
- Sa ibaba ng mensahe, mag-hover sa attachment.
- I-click ang I-download
.
Mga Tip:
- Kung Google Chrome ang ginagamit mo, alamin kung paano mag-download ng file sa Chrome.
- Sine-save ng iyong browser ang mga attachment sa isang folder ng mga download. Suriin ang mga setting ng iyong browser para mahanap ang mga download mo.
- Kung may suporta rito ang iyong computer, puwede ka ring mag-drag ng mga larawan at attachment sa desktop mo.
Mahalaga: May mga partikular na attachment na hindi mo maidaragdag sa Google Drive. Matuto tungkol sa mga file na puwede mong i-store sa Drive.
- Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
- Magbukas ng mensahe.
- Sa ibaba ng mensahe, mag-hover sa attachment.
- I-click ang Idagdag sa Drive
.
Ang ilang larawan ay ipinapadala sa loob ng isang mensahe sa email, at hindi bilang mga attachment.
Narito ang ilang paraan para mag-save ng mga larawan mula sa loob ng mga email:
- I-download: I-right click ang larawan at piliin ang opsyon para i-save ang larawan.
- I-save sa Drive: I-download ang larawan sa iyong computer at pagkatapos ay i-upload sa Google Drive.
Buksan ang attachment na Office file sa Docs, Sheets, o Slides
- Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
- Magbukas ng email na may attachment na Office file.
- I-hover ang iyong mouse sa thumbnail.
- I-click ang I-edit gamit ang Google Docs / I-edit gamit ang Google Sheets / I-edit gamit ang Google Slides
.
- Mag-edit
- Magbahagi
- Tumingin ng history ng bersyon
- Makipag-collaborate nang real time
Para sa iba pang opsyon sa email, i-click ang File Email.
Magsama ng mga attachment kapag sumasagot o nagpapasa
Isinasama ang mga attachment kapag nagpapasa ka ng isang mensahe, ngunit hindi awtomatikong isinasama kapag tumutugon ka sa isang mensahe.
Para isama ang mga orihinal na attachment kapag sumasagot:
- Sa iyong computer, sa ibaba ng kahon ng sagot, i-click ang Higit pang opsyon
.
- I-click ang Isama ang mga orihinal na attachment.
Para alisin ang mga orihinal na attachment kapag sumagot ka sa o nagpasa ka ng mensahe, sa bandang kanan ng attachment, i-click ang Alisin ang attachment .
Hindi mabuksan o mag-download ang mga attachment
Mahalaga: Kung na-on ng tagapadala ang confidential mode, hindi mo makokopya o mada-download ang text ng mensahe at mga attachment.
Kung ayaw ma-upload o ma-download ang mga attachment, subukan ang mga hakbang na ito nang magkakasunod:
- Sa iyong computer, tingnan kung gumagamit ka ng sinusuportahang browser.
- Subukang isa-isang i-off ang mga extension na mayroon ka sa iyong browser.
- I-clear ang cache at cookies ng iyong browser.
Matuto tungkol sa mga kahina-hinalang attachment
Para maprotektahan ang iyong account laban sa mga potensyal na virus at nakakapinsalang software, aabisuhan ka ng Google tungkol sa mga kahina-hinalang attachment sa email. Posibleng maging kahina-hinala ang isang attachment dahil:
- Pinapahintulutan ng attachment ang mga hindi na-verify na script: Hindi namin makukumpirmang ligtas buksan ang mga attachment ng mensahe. Kung bubuksan mo ang mga attachment, may posibilidad na makapagpatakbo ng nakakapinsalang software sa iyong computer o device.
- Naka-encrypt ang attachment: Naka-encrypt at hindi masa-scan para mahanapan ng virus ang ilang attachment, tulad ng mga dokumentong nangangailangan ng password para mabuksan.
- May mga email (.eml) ang attachment: Bagama't sinusuri namin ang mensahe at mga attachment na .eml para maghanap ng spam at mga virus, hindi namin makukumpirmang ang nagpadalang nasa mga .eml file ang talagang nagpadala ng mga email na iyon. Matuto pa tungkol sa pag-authenticate.
Kung mukhang kahina-hinala ang email, huwag tumugon at huwag i-download ang attachment. Magagawa mong:
Kung mula sa taong kilala at pinagkakatiwalaan mo ang email, balewalain ang babala.