Para sa isang email na natanggap mo sa Gmail, puwede mong makita kung saan galing ang email sa pamamagitan ng pagtingin sa mga header nito, kabilang ang kung paano ito nakarating mula sa nagpadala papunta sa mga mail server ng tatanggap.
Tingnan ang buong header ng iyong email
- Sa isang browser, buksan ang Gmail.
- Buksan ang email na gusto mong matingnan ang mga header.
- Sa tabi ng Sumagot
, i-click ang Higit pa
Ipakita ang orihinal.
Lalabas ang mga header sa isang bagong window, kabilang ang mga field na katulad ng mga resulta ng pag-authenticate. Para makuha ang header ng buong mensahe, i-click ang I-download ang orihinal.
AOL
- Mag-log in sa iyong AOL account.
- Buksan ang email na gusto mong makita ang mga header.
- Sa menu ng "Action," piliin ang View Message Source.
Lalabas ang mga header sa isang bagong window.
Webmail ng Excite
- Mag-log in sa iyong Excite account.
- Buksan ang email na gusto mong makita ang mga header.
- I-click ang View Full Headers.
Lalabas ang mga header sa isang bagong window.
Hotmail
- Mag-log in sa iyong Hotmail account.
- I-click ang Inbox.
- I-right click ang email na gusto mong makita ang mga header.
- I-click ang View Message Source.
Lalabas ang mga header sa isang bagong window.
Yahoo! Mail
- Mag-log in sa iyong Yahoo! Mail account.
- Piliin ang email na gusto mong makita ang mga header.
- I-click ang More
View Raw Message.
Lalabas ang mga header sa isang bagong window.
Apple Mail
- Buksan ang Apple Mail.
- Buksan ang email na gusto mong makita ang mga header.
- I-click ang View
Message
All Headers.
Lalabas ang mga header sa window sa ibaba ng iyong inbox.
Mozilla
- Buksan ang Mozilla.
- Buksan ang email na gusto mong makita ang mga header.
- I-click ang View
Message Source.
Lalabas ang mga header sa isang bagong window.
Opera
- Buksan ang Opera.
- I-click ang email na gusto mong makita ang mga header para lumabas ito sa window sa ibaba ng iyong inbox.
- I-right click ang nilalaman ng email.
- I-click ang View All Headers and Message.
Lalabas ang mga header sa window sa ibaba.
Outlook
- Buksan ang Outlook.
- Buksan ang email na gusto mong makita ang mga header.
- I-click ang File
Properties.
Lalabas ang mga header sa kahon na "Internet headers."
Outlook Express
- Buksan ang Outlook Express.
- I-right click ang email na gusto mong matingnan ang mga header.
- I-click ang Properties.
- I-click ang tab na Details.
Lalabas ang mga header sa kahon na magpa-pop up.
Paano basahin ang buong header ng email
- Buksan ang email na gusto mong matingnan ang mga header.
- Sa tabi ng Reply
, i-click ang More
Show original.
- Kopyahin ang text sa page.
- Buksan ang Tool ng header ng mensahe.
- Sa "I-paste rito ang header ng email," i-paste ang iyong header.
- I-click ang Suriin ang header na nasa itaas.
Tingnan kung naaantala ang mensahe
- Buksan ang email na gusto mong matingnan ang mga header.
- Sa tabi ng Reply
, i-click ang More
Show original.
- Sa tabi ng "Ginawa noong," tingnan para makita kung gaano katagal na naihatid ang email pagkatapos itong maipadala.