Magpadala o bawiin ang pagpapadala ng mga mensahe sa Gmail

Magagawa mong magpadala o bawiin ang pagpapadala ng mga mensahe mula sa isang browser o sa Gmail app.

Gusto mong bang masulit ang mga Google app sa trabaho o paaralan?  Mag-sign up para sa isang Google Workspace libreng trial.

Magpadala ng mensahe

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang  Mag-email.
  3. Sa field na "Para kay," magdagdag ng mga tatanggap. Puwede ka ring magdagdag ng mga tatanggap:
    • Sa field na "Cc" at "Bcc."
    • Kapag nag-email ka ng mensahe, gamit ang "+ sign" o "@pagbanggit" at ang pangalan ng contact sa field ng text.
  4. Maglagay ng paksa.
  5. Isulat ang iyong mensahe.
  6. Sa ibaba ng page, i-click ang Ipadala.

Tip: Para maidagdag ang mga indibidwal na tatanggap at grupo ng mga contact na ginawa mo gamit ang mga label, i-click ang Para kay:

Mag-unsend ng mensahe

Kung magpapasya kang ayaw mong magpadala ng email, may maikling oras ka para kanselahin ito. Pagkatapos na pagkatapos mong magpadala ng mensahe, puwede mo itong bawiin:

  1. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, makikita mo ang "Naipadala ang mensahe" at ang opsyong "I-undo" o "Tingnan ang mensahe."
  2. I-click ang I-undo.

Pumili ng tagal ng oras para makapag-unsend ng mensahe

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga settingat pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. Sa tabi ng "I-undo ang Pagpapadala," pumili ng panahon ng pagkansela sa Pagpapadala na 5, 10, 20, o 30 segundo.
  4. Sa ibaba, i-click ang I-save ang mga pagbabago.

Mga opsyon sa pagdaragdag ng mga tatanggap ng mensahe

Magdagdag ng mga tatanggap (Cc)

Sa tuwing magdaragdag ka ng mga tatanggap sa iyong mensahe, may opsyon kang magdagdag ng field na "Cc." Makikita ng sinumang nasa field na ito ang ibang mga tatanggap ng mensahe.

Kadalasan, ginagamit ang "cc" para magdagdag sa isang email ng mga tatanggap na walang kailangang gawing anumang pagkilos.

Itago ang mga tatanggap (Bcc)

Kung nagpapadala ka ng mensahe at gusto mong itago ang email address ng isang tatanggap, puwede mo siyang idagdag sa field na "Bcc."

Paano gumagana ang "Bcc":

  • Hindi malalaman ng mga tatanggap na nagdagdag ka ng sinuman sa "Bcc."
  • Makikita ng sinumang idaragdag mo sa field na "Bcc" na idinagdag siya gamit ang "Bcc." Makikita rin niya ang mga tatanggap ng mensahe sa field na "Para kay" at "Cc." 
  • Hindi makikita ng mga taong idaragdag mo sa "Bcc" ang pangalan o email address ng sinumang idaragdag mo sa field na "Bcc."
  • Kung tutugon sa lahat ang mga tao sa isang mensahe, hindi makikita ng mga tao sa "Bcc" ang tugon.

Mahalaga: Kung hindi gumagamit ng Gmail ang mga tatanggap, posibleng hindi nila makita na idinagdag sila sa field na "Bcc."

Magpadala ng email sa maraming tatanggap

Kapag nagsulat ka ng mensahe, idaragdag mo ang mga tatanggap sa mga field na "Kay," "Cc" o "Bcc."

Para magdagdag ng higit sa isang tatanggap, maglagay ng kuwit sa bawat pangalan o email address. Puwede mo ring i-click ang “Para kay,” “Cc,” o “Bcc” para magdagdag ng mga tatanggap o pamahalaan ang iyong mga label ng contact.

Kung kailangan mong magpadala ng email sa maraming tao, puwede ka ring gumawa ng grupo.

Tip: Puwede ka ring magdagdag ng email address ng grupo sa field na "Para kay," “Cc,” o “Bcc.”

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16635320198717440706
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false