Notification

Sa kasalukuyan, available ang feature na ito sa pinagsama-samang karanasan sa Google Workspace. Para makapagsimula sa karanasang ito, bisitahin ang artikulong ito.

Gumawa ng sagot kapag nasa bakasyon

Kung hindi mo matitingnan ang iyong Gmail account, tulad kapag nasa bakasyon ka o wala kang access sa Internet, puwede kang mag-set up ng vacation responder para awtomatikong abisuhan ang mga tao na hindi mo sila masasagot kaagad. Kapag pinadalhan ka ng mensahe ng mga tao, makakatanggap sila ng sagot sa email na naglalaman ng isinulat mo sa iyong awtomatikong sagot kapag nasa bakasyon.
Gusto mong bang masulit ang mga Google app sa trabaho o paaralan?  Mag-sign up para sa isang Google Workspace libreng trial.

I-on o i-off ang iyong sagot kapag nasa bakasyon

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Gmail app .
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng “Mag-email at Sumagot,” i-tap ang Vacation responder.
  4. I-on ang “Vacation Responder.”
  5. Ilagay ang hanay ng petsa, paksa, at mensahe.
  6. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-save.
Tip: Para i-off ang iyong sagot kapag nasa bakasyon, i-off ang “Vacation Responder.”

Kailan ipinapadala ang iyong sagot kapag nasa bakasyon

Ang iyong sagot kapag nasa bakasyon ay magsisimula nang 12:00 AM sa petsa ng pagsisimula nito at matatapos nang 11:59 PM sa petsa ng pagtatapos nito, maliban na lang kung mas maaga mo itong tatapusin.

Kadalasan, ipinapadala lang sa mga tao ang iyong sagot kapag nasa bakasyon sa unang beses na magmensahe sila sa iyo.

Narito ang mga pagkakataong puwedeng makita ng isang tao nang mahigit sa isang beses ang iyong tugon kapag nasa bakasyon:

  • Kung makikipag-ugnayan muli sa iyo ang parehong tao pagkatapos ng apat na araw at naka-on pa rin ang iyong sagot kapag nasa bakasyon, makikita nila muli ang iyong tugon kapag nasa bakasyon.
  • Nagsisimula muli ang iyong tugon kapag nasa bakasyon sa tuwing i-e-edit mo ito. Kapag may taong nakatanggap ng iyong unang tugon kapag nasa bakasyon, at pagkatapos ay nagpadala ulit sa iyo ng email pagkatapos mong i-edit ang sagot mo, makikita niya ang iyong bagong sagot.

Tip: Mapipili mo kung ipapadala ang iyong sagot sa lahat, sa mga contact mo lang, o sa mga tao lang na bahagi ng iyong organisasyon

Kung pareho mong lalagyan ng check ang box para sa "Magpadala lang ng sagot sa mga tao sa Mga Contact ko" at "Magpadala lang ng sagot sa mga taong nasa domain ko," ang mga tao lang na nasa iyong mga contact at nasa domain mo rin ang makakakita ng iyong sagot kapag nasa bakasyon.

Tip: Ang iyong sagot kapag nasa bakasyon ay hindi matatanggap ng mga mensaheng maipapadala sa iyong folder ng spam at ng mga mensaheng naka-address sa isang mailing list kung saan ka naka-subscribe.

Hanapin ang naka-leave na status

Makikita mo sa Gmail ang mga naka-leave na status.

Kung may taong wala sa opisina, ipapakita ng Gmail ang kanyang naka-leave na status kapag gumawa ka ng email para sa kanya. Maipapadala mo pa rin ang email, pero posibleng hindi siya makasagot hanggang sa bumalik siya. Kung na-enable mo ang Chat sa Gmail, matatanggap mo rin ang kanyang naka-leave na status kapag nagpadala ka ng direktang mensahe.

Kung walang pahintulot ang isang tao na tingnan ang iyong event kapag naka-leave, hindi ipapakita ng Gmail na naka-leave ka.

Ibahagi ang iyong status na naka-leave

Para ipakita sa iba pa na naka-leave ka, ibahagi ang iyong kalendaryo at gumawa ng event na naka-leave. Kailangang magtagal nang buong araw ang event o lumampas ito sa iyong oras ng trabaho.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15504971989359065476
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false