Magpadala sa Gmail ng mga attachment na nasa Google Drive

Kapag nagpadala ka ng mga mensahe sa Gmail, puwede kang mag-attach ng mga file mula sa Google Drive, tulad ng mga dokumento at mga larawan. Kung lumampas ang file sa limitasyon sa laki ng Gmail, o kung gusto mong makipag-collaborate dito kasama ng iba, i-attach ito mula sa Drive.

Gusto mong bang masulit ang mga Google app sa trabaho o paaralan?  Mag-sign up para sa isang Google Workspace libreng trial.

Magpadala ng attachment na nasa Google Drive

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Mag-email.
  3. Sa ibaba ng mensahe, i-click ang Maglagay ng mga file gamit ang Drive .
  4. Piliin ang mga file na gusto mong i-attach.
  5. Sa ibaba ng page, piliin kung paano mo gustong ipadala ang file:
    • Link ng Drive: Gumagana ito para sa anumang file na naka-store sa Drive, kabilang ang mga file na ginawa gamit ang Google Docs, Sheets, Slides, o Forms.
    • Attachment: Gumagana lang ito para sa mga file na hindi ginawa gamit ang Google Docs, Sheets, Slides, o Forms.
  6. I-click ang Ilagay.

Mga setting ng pagbabahagi para sa mga Google Drive file

Kapag nag-attach ka ng Google Drive file sa isang mensahe, susuriin ng Gmail kung may access sa file ang iyong mga tatanggap. Kung wala silang access, ipa-prompt kang baguhin ang mga setting ng pagbabahagi ng file bago mo ipadala ang iyong mensahe.

Ibahagi sa sinumang may link

Kung pipiliin mo ang "Sinumang mayroong link" bilang iyong setting ng pagbabahagi, maaari mong piliin kung maaaring tingnan, komentuhan, o i-edit ng mga tao ang file.

Kung ipapasa ang mensahe o magdadagdag ng mga bagong tao sa pag-uusap, magkakaroon sila ng parehong mga pahintulot gaya ng mga taong orihinal mong pinadalhan ng mensahe.

Hindi kailangang mayroong Google Account ang mga tatanggap para makita o ma-edit ang file.

Ibahagi lang sa mga tatanggap ng email

Kung gusto mo lang makita o ma-edit ng mga tatanggap ng iyong mensahe ang file, i-click ang "Higit pang opsyon" kapag na-prompt kang baguhin ang mga setting ng iyong file.

Kung pananatilihin mong pribado ang file, hindi ito makikita ng mga tatanggap kung:

  • Wala silang Google Account
  • Ang ginamit mong email address ay hindi isang Google account
  • Natanggap nila ang mensahe sa pamamagitan ng mailing list (maliban na lang kung pinapamahalaan ang mailing list sa pamamagitan ng Google Groups at nakabahagi ang file sa Grupo)

Tandaan: Kung hindi maibahagi sa iba ang isang file, ipapaalam sa iyo ng Gmail at posibleng kailanganin mong makipag-ugnayan sa orihinal na may-ari ng file para ayusin ang mga setting ng pagbabahagi.

Mga opsyon ng pagbabahagi kung gumagamit ka ng Gmail sa pamamagitan ng iyong trabaho, paaralan, o iba pang organisasyon

Kung gumagamit ka ng Gmail sa pamamagitan ng iyong trabaho, paaralan, o iba pang organisasyon, maaaring paghigpitan ng iyong admin kung aling mga file ang maaari mong ibahagi, at kung kanino mo maaaring ibahagi ang mga ito.

Mga may Google Account lang ang puwedeng makakita sa mga Google Drive file na ina-attach mo sa Gmail.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9809089392201951147
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false