Mga button sa iyong Gmail toolbar

Sa Gmail, magagamit mo ang toolbar para mamahala ng mensahe mula sa iyong inbox o nang direkta sa mensahe. Puwede mong gamitin ang mga button sa toolbar para umaksyon sa mensahe, tulad ng pag-delete dito o pag-ulat dito bilang spam.

Umaksyon sa iyong mga mensahe

Larawan ng pinasimpleng toolbar sa Gmail. Puwede kang mag-archive, mag-ulat bilang spam, mag-delete, magmarka bilang hindi pa nababasa, at maglipat ng mga mensahe sa pinasimpleng toolbar.

  1. Sa tabi ng isa o higit pang mensahe, i-click ang checkbox.
    • Kung hindi naman, magbukas ng mensahe sa iyong inbox.
  2. Sa itaas, pumili ng button:
    • I-archive : I-archive ang mensahe.
    • Iulat bilang spam : Iulat ang mensahe bilang spam.
    • I-delete : I-delete ang mensahe.
    • Markahan bilang hindi pa nababasa : Markahan ang mensahe bilang hindi pa nababasa.
    • Ilipat sa : Ilipat ang mensahe sa isang label.
    • Higit pa : Maghanap ng higit pang opsyon para sa pamamahala ng iyong mga mensahe:
      • I-snooze : I-snooze ang mensahe.
      • Idagdag sa Tasks : Gumawa ng gawain batay sa mensahe sa Google Tasks.
      • Gumawa ng event : Gumawa at maglagay ng event sa mensahe.
      • Lagyan ng label na : Magdagdag o mag-alis ng label.
      • I-filter ang mga mensaheng katulad nito : Gumawa ng bagong filter para sa mga mensahe mula sa sender.
      • I-mute : I-mute ang mensahe.

Lumipat sa advanced na toolbar

Larawan ng advanced na toolbar sa Gmail. Puwede kang mag-archive, mag-ulat bilang spam, mag-delete, magmarka bilang hindi pa nababasa, mag-snooze, magdagdag sa Tasks, maglipat, at mag-label ng mga mensahe sa advanced na toolbar.

  • Para magpakita ng higit pang button sa toolbar, i-click ang Higit pa at pagkatapos ay Lumipat sa advanced na toolbar.
  • Para bumalik sa orihinal na toolbar, i-click ang Higit pa at pagkatapos ay Lumipat sa simpleng toolbar.

Mga Tip: Mula sa iyong inbox, kapag nag-right click ka ng mensahe, may makikita kang mga karagdagang button tulad ng:

  • Sumagot : Sumagot sa mensahe.
  • Sumagot sa lahat : Sumagot sa lahat ng tatanggap na nakatanggap sa mensahe.
  • Ipasa : Ipasa ang mensahe.
  • Maghanap ng mga email mula kay : Maghanap ng mga email sa iyong inbox mula sa sender.

Gawing text ang mga button

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. Mag-scroll pababa sa seksyong "Mga label ng button."
  4. Piliin ang Text.
  5. Sa ibaba ng page, i-click ang I-save ang mga pagbabago.

I-off ang mga pagkilos sa pag-hover

Sa mga pagkilos sa pag-hover, kapag nag-hover ka sa kanan ng isang mensahe, magagawa mong i-archive, i-delete, i-snooze, o markahan bilang nabasa na ang isang mensahe. Puwede mong i-off ang mga pagkilos sa pag-hover.
  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. I-click ang Mga Setting at pagkatapos ayTingnan ang lahat ng setting.
  3. Mag-scroll pababa sa seksyong "Mga pagkilos sa pag-hover."
  4. Piliin ang I-disable ang mga pagkilos sa pag-hover.
  5. Sa ibaba ng page, i-click ang I-save ang mga pagbabago.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3015685533345899243
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false