Mga tagamarka ng kahalagahan sa Gmail

Gumagamit ang Gmail ng ilang signal para awtomatikong markahan ang iyong mga email bilang mahalaga o hindi mahalaga.

Paano nagpapasya ang Gmail kung aling mga email ang mahalaga

Gumagamit ang Gmail ng ilang signal para pagpasyahan kung aling mensahe ang awtomatikong mamarkahan bilang mahalaga, kasama ang:

  • Sinong pinadadalhan mo ng email, at kung gaano kadalas mo sila i-email
  • Aling email ang iyong binubuksan
  • Aling email ang tinutugunan mo
  • Mga keyword na nasa email na karaniwan mong binabasa
  • Aling email ang iyong nilalagyan ng star, ina-archive, o dine-delete

Para makita kung bakit minarkahan bilang mahalaga ang isang email, mag-hover sa tagamarka ng kahalagahan .

Tandaan: Kung ang email ay minarkahan bilang mahalaga pero hindi mo ito gustong mamarkahan ng ganito, i-click ang tagamarka ng kahalagahan  para mabago ito. Tumutulong din ito sa Gmail na malaman kung aling email ang mahalaga para sa iyo.

Tingnan ang iyong mahahalagang email

Sa tabi ng mga email na sa palagay ng Gmail ay mahalaga, makakakita ka ng dilaw na Tagamarka ng kahalagahan . Kung ang email ay hindi pa namarkahan bilang mahalaga, ang tagamarka ay walang laman.

Para makita ang lahat ng iyong email na may markang mahalaga, hanapin sa Gmail ang ay:mahalaga.

Baguhin ang iyong mga setting ng tagamarka ng kahalagahan

Huwag gumamit ng mga nakaraang pagkilos para hulaan kung aling mga email ang mahalaga

  1. Gamit ang isang browser, buksan ang Gmail. Hindi mo mababago ang setting na ito mula sa Gmail app, pero malalapat din sa iyong app ang mga setting na pipiliin mo sa iyong computer.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. I-click ang tab na Inbox.
  4. Sa seksyong "Mga tagamarka ng kahalagahan," piliin ang Huwag gamitin ang aking mga nakaraang pagkilos upang hulaan kung aling mensahe ang mahalaga.
  5. Sa ibaba ng page, i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.

Itago ang mga tagamarka ng kahalagahan sa Gmail

  1. Gamit ang isang browser, buksan ang Gmail. Hindi mo mababago ang setting na ito mula sa Gmail app, pero malalapat din sa iyong app ang mga setting na pipiliin mo sa iyong computer.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. I-click ang tab na Inbox.
  4. Sa seksyong "Mga tagamarka ng kahalagahan," piliin ang Walang tagamarka.
  5. Sa ibaba ng page, i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4522146119357102204
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false