Kapag nag-mute ka ng pag-uusap, nilalaktawan ng mga tugon na natatanggap mo ang iyong inbox at direktang mapupunta sa iyong archive ang mga ito. Pinapanatili nitong malinis ang iyong inbox mula sa mahahabang email thread.
Pagkatapos mong mag-mute ng mensahe:
- Lalagyan ng label na "Naka-mute" ang mensahe.
- Makakatanggap ka pa rin ng mensahe sa iyong inbox kung:
- Sa iyo lang ipinadala ang mensahe.
- Ang mensahe ay ipinadala sa isang Google Group na kinabibilangan mo.
- May nagdagdag sa iyo sa mga field na “Para kay” o “Cc”.
Mag-mute ng mensahe
- Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
- Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng mensahe.
- Sa itaas, i-click ang Higit pa
I-mute.
Mga Tip:
- Para maghanap ng naka-mute na mensahe: Sa search bar sa itaas ng Gmail, ilagay ang:
is:muted - Para mag-mute ng mensahe gamit ang mga keyboard shortcut:
- Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng mensahe.
- Pindutin ang M.
Matuto pa tungkol sa mga keyboard shortcut.
Mag-unmute ng mensahe
- Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
- Hanapin ang naka-mute na mensahe.
- Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng mensahe.
- Sa itaas, i-click ang Higit pa
I-unmute.