Gumawa ng template sa Gmail

Kung may mensahe kang may impormasyong hindi madalas magbago, puwede mong i-save ang mensahe bilang template sa Gmail at gamitin ito ulit.

I-on ang mga template

Mahalaga: Puwede mo lang i-on at gamitin ang mga template ng mensahe mula sa Gmail sa iyong computer.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. Sa itaas, i-click ang Advanced.
  4. Sa tabi ng “Mga Template,” i-click ang I-enable.
  5. Sa ibaba, i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.

Gumawa o mag-edit ng template

Mahalaga: Pagkatapos mong mag-delete ng template, hindi mo na ito mababawi.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Mag-email.
  3. Sa window para mag-email, ilagay ang iyong template na text.
  4. Sa ibaba ng window para mag-email, i-click ang Higit pang opsyon at pagkatapos ay mga Template.
  5. Pumili ng opsyon:
    • Para gumawa ng bagong template: I-click ang I-save ang draft bilang template at pagkatapos ay I-save bilang bagong template.
    • Para magbago ng dating na-save na template:
      1. I-click ang I-save ang draft bilang template.
      2. Sa “I-overwrite ang Template,” pumili ng template.
      3. I-click ang I-save.
    • Para mag-delete ng template:
      1. I-click ang I-delete ang template.
      2. Piliin ang template na gusto mong i-delete.
      3. I-click ang I-delete.

Maglagay ng template

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Mag-email.
  3. Sa ibaba ng window para mag-email, i-click ang Higit pang opsyon at pagkatapos ay mga Template.
  4. Sa “Maglagay ng template,” pumili ng template.
  5. Isulat ang iba pang bahagi ng iyong mensahe.
  6. I-click ang Ipadala.

Gumawa ng awtomatikong sagot para sa mga mensahe

Mahalaga: Para ipadala ang iyong template na mensahe bilang awtomatikong sagot, kailangan mong gumawa ng filter.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa box para sa paghahanap sa itaas, i-click ang Ipakita ang mga opsyon sa paghahanap i-tune ang mga larawan.
  3. Ilagay ang iyong mga pamantayan sa paghahanap.
  4. Opsyonal: Para subukin kung gumagana nang tama ang iyong paghahanap, i-click ang Maghanap.
    • Para bumalik sa menu ng filter, i-click ang Ipakita ang mga opsyon sa paghahanap i-tune ang mga larawan.
  5. I-click ang Gumawa ng filter.
  6. Lagyan ng check ang box sa tabi ng “Ipadala ang template,” pagkatapos ay piliin ang iyong template.
  7. I-click ang Gawin ang filter.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14412301650774819788
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false