Mahalaga: Para lang sa mga user na nasa EU ang artikulong ito.
Ang Digital Markets Act (DMA) ay isang batas sa EU na nagkabisa noong Marso 6, 2024. Dahil sa DMA, sa EU, mag-aalok sa iyo ang Google ng opsyong panatilihing naka-link ang ilang partikular na serbisyo ng Google.
Kasama sa mga serbisyo ng Google na ito ang:
- Search
- YouTube
- Mga serbisyo sa ad
- Google Play
- Chrome
- Google Shopping
- Google Maps
Kapag naka-link, puwedeng ibahagi ng mga serbisyong ito ang iyong data sa isa't isa at sa lahat ng iba pang serbisyo ng Google para sa ilang partikular na layunin. Puwedeng ibahagi sa mga naka-link na serbisyo ng Google ang lahat ng uri ng data na inilalarawan sa Patakaran sa Privacy ng Google. Kasama rito ang data ng iyong aktibidad kapag naka-sign in ka, tulad ng mga bagay na hinahanap mo at video na pinapanood at pinapakinggan mo.
Mapapamahalaan mo ang iyong mga napili pagdating sa kung aling mga serbisyo ang naka-link sa Google Account mo.
Tip: Hindi tungkol sa pagbabahagi ng iyong data sa mga third-party na serbisyo ang pag-link sa mga serbisyo ng Google.
I-update ang iyong mga napili tungkol sa kung aling mga serbisyo ang ili-link
- Pumunta sa iyong Google Account.
- Sa kaliwa, i-click ang Data at privacy.
- Sa “Mga Naka-link na Serbisyo ng Google,” piliin ang Pamahalaan ang mga naka-link na serbisyo.
- Piliin ang mga serbisyong gusto mong i-link at piliin ang Susunod.
- Tip: Ang anupamang serbisyo ng Google na hindi nakalista ay palaging naka-link at makakapagbahagi ng data sa isa't isa para sa mga layuning inilalarawan sa aming Patakaran sa Privacy, depende sa iyong mga setting ng privacy.
- Suriin ang iyong mga napili at piliin ang Kumpirmahin Tapos na OK.