Sumagot sa mga email gamit ang mga reaksyon na emoji

Ihayag ang iyong sarili at mabilisang sumagot sa mga email gamit ang mga emoji.

Magdagdag na reaksyon na emoji

Sa Gmail, makikita mo ang opsyon ng reaksyon na emoji sa bawat mensahe.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Magbukas ng mensaheng gusto mong sagutin.
  3. I-click ang Magdagdag ng reaksyon na emoji Insert emoji:
    • Sa itaas ng mensahe, sa tabi ng Sumagot .
    • Sa ibaba ng mensahe.
  4. Pumili ng emoji.
    • Lalabas sa ibaba ng email ang pipiliin mong emoji.

Mga Tip:

  • Para tuklasin kung sino ang nag-react sa isang email, mag-hover sa reaksyon na emoji na gusto mong suriin.
  • Para gamitin ang parehong reaksyong idinagdag ng iba sa email, i-click ang chip ng reaksyong naroon na.
  • Para magdagdag ng emoji para sa anumang mensahe sa thread, i-click ang Higit pa sa mensahe, pagkatapos ay ang Magdagdag ng reaksyon.

Mag-alis ng reaksyon na emoji

Para mag-alis ng reaksyon na emoji, sa notification sa ibaba ng iyong mensahe, i-click ang I-undo.

Mahalaga: Depende sa iyong mga setting ng “I-undo ang Pagpapadala” sa Gmail, mayroon kang mula 5 hanggang 30 segundo para mag-alis ng reaksyon na emoji pagkatapos mo itong idagdag. Para baguhin ang tagal ng panahon, i-update ang panahon ng pagkansela ng pagpapadala para sa mga mensahe sa Gmail sa “Mga Setting.” Alamin kung paano baguhin ang mga setting ng pag-unsend sa Gmail.

Bakit posibleng makatanggap ka ng mga reaksyon na emoji bilang email

Posibleng iba ang hitsura ng mga reaksyon na emoji at lumabas ang mga ito bilang email na may link na nagsasabing “Nag-react si [pangalan] sa pamamagitan ng Gmail” kung:

Hindi makapagpadala ng mga reaksyon na emoji

Hindi ka makakapag-react sa isang email kung:

  • Mayroon kang account sa trabaho o paaralan. Matuto pa tungkol sa mga account sa trabaho o paaralan.
  • Sa listahan ng email ng grupo ipinadala ang mensahe.
  • Ipinadala sa mahigit 20 recipient ang mensahe.
  • Nasa BCC ka.
  • Mahigit 20 reaksyon na ang naipadala mo sa iisang mensahe.
  • Binuksan mo ang email sa ibang email provider, tulad ng Apple Mail o Microsoft Outlook.
  • Naka-encrypt ang mensahe gamit ang Client-side encryption. Matuto tungkol sa Client-side encryption ng Gmail.
  • May custom na address ng pagtugon ang sender.

Mga kaugnay na resource

Computer Android
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17574318825668941322
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false