Mag-iskedyul ng mga event sa Gmail

Mag-iskedyul ng mga event at makipag-ayos ng mga oras para direktang makipag-meeting sa ibang tao sa Gmail.

Gumawa ng event mula sa mensahe sa Gmail

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Magbukas ng isang mensahe.
  3. Sa itaas, sa ibabaw ng mensahe, i-click ang Higit pa at pagkatapos ay Gumawa ng event.
    • May bubukas na bagong tab sa iyong browser sa Calendar.
  4. Kumpirmahin ang pangalan ng event, mga attendee, oras, at iba pang detalye.
    • Calendar:
      • Gagawa ng event.
      • Kokopyahin ang paksa sa Gmail text ng mensahe.
      • Awtomatikong idaragdag ng Calendar ang tatanggap sa mensahe sa Gmail bilang iimbitahan.
    • Para mag-imbita pa ng mga tao, idagdag ang kanilang mga email address.
  5. Kapag tapos na, i-click ang I-save.

Tip: Awtomatikong idaragdag ang pamagat at paglalarawan ng event batay sa paksa sa Gmail at mensahe sa email.

Gumawa at maglagay ng event sa isang mensahe sa Gmail

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Gumawa ng email o sumagot sa isang email.
  3. Sa ibaba, i-click ang Mag-set up ng oras ng meeting at pagkatapos ay Gumawa ng event.
    • Tip: Kung hindi mo makikita ang Mag-set up ng oras ng meeting , sa ibaba, i-click ang Higit pang opsyon .
  4. Sa kanan, kumpirmahin ang pamagat ng event, mga attendee, oras, at iba pang detalye.
    • Calendar:
      • Gagawa ng event.
      • Gagamitin ang paksa sa Gmail bilang pamagat ng event.
      • Awtomatikong idaragdag ng Calendar ang tatanggap sa mensahe sa Gmail bilang iimbitahan.
    • Para mag-imbita pa ng mga tao, idagdag ang kanilang mga email address.
  5. I-click ang I-save at pagkatapos ay Ipadala.

Mga Tip:

  • Awtomatikong idaragdag ulit ang buod ng event sa mensahe sa email.
  • Kung ide-delete mo ang buod ng event sa mensahe, hindi made-delete ang event sa Calendar.

Mag-alok ng mga available na oras para makipag-meeting sa mensahe sa Gmail

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Gumawa ng email o sumagot sa isang email.
  3. Sa ibaba ng iyong mensahe, i-click ang Mag-set up ng oras ng meeting at pagkatapos ay Mag-alok ng mga oras kung kailan ka available.
    Tip: Kung hindi mo nakikita ang Mag-set up ng oras ng meeting , i-click ang Higit pang opsyon .
  4. Sa kanan, piliin ang tagal ng event.
  5. Pumili ng maraming oras sa grid ng kalendaryo. Puwede kang pumili ng mga oras sa iba't ibang araw.
  6. I-click ang Susunod.
  7. Maglagay ng pamagat ng event.
    • I-expand ang box ng "Higit pang impormasyon" para magdagdag ng mga detalye.
  8. I-click ang Idagdag sa email at pagkatapos ay Ipadala.
    • Kapag pumili ang recipient ng oras para sa event, awtomatikong gagawin at idaragdag sa iyong kalendaryo ang event. Magpapadala rin ng email ng kumpirmasyon na may mga detalye ng event.

      Mahalaga: Gumagana lang ang feature na ito para sa mga 1:1 na meeting. Kung maraming recipient na mapapadalhan ng kopya ng iyong email, ang unang tao lang na magbu-book ng appointment ang isasama sa event. Kailangang isa-isang idagdag ang mga karagdagang kalahok.

Mga Tip:

  • Kung mag-aalok ka ng mga available na oras para mag-meet, makikita at mabu-book ng ibang tao ang mga ito sa loob ng 30 araw sa pamamagitan ng page para sa pag-book.
  • Nakatakda ang mga pahintulot ng event sa "Tingnan ang listahan ng bisita" bilang default. Puwede mong baguhin ang mga pahintulot ng bisita pagkatapos kumpirmahin ng recipient ang event.
  • Ipapakita sa timezone ng gumawa ang mga iminumungkahing oras sa mensahe sa Gmail. Sa page para sa pag-book, ipapakita ang mga oras sa timezone ng recipient. Kapag nagawa na ang event, makikita ito sa Calendar sa lokal na time zone. Pagkatapos, ipapadala ang mga email ng kumpirmasyon nang nakasaad sa timezone ng bawat kalahok ang mga detalye ng event.
  • Sa pangunahing kalendaryo mo lang maiiskedyul ang mga na-book na oras.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18233472338614363756
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false