Magpadala ng mga naka-personalize na email gamit ang pag-merge ng mail

Magagamit mo ang pag-merge ng mail sa Gmail para magpadala ng mga naka-personalize na campaign sa email, newsletter, at anunsyo sa malawak na audience.

Mahalaga: Pinapalitan ng pag-merge ng mail ang multi-send mode sa Gmail. Kapag gumagawa ng mensahe, sa tabi ng linyang "Para Kay:," i-click ang Gamitin ang pag-merge ng mail .

Alamin kung paano gumagana ang pag-merge ng mail

Pag-merge ng mail sa Gmail

  • Nagbibigay-daan sa iyo ang pag-merge ng mail na mag-personalize ng mga mensahe gamit ang mga merge tag, gaya ng @fistname at @lastname. Kapag nagpadala ka ng mensahe, makakatanggap ang bawat recipient ng natatanging kopya ng email kung saan pinalitan ng mga detalyeng ibinigay mo ang mga merge tag.
  • Hindi matitingnan ng mga recipient kung kanino mo pa ipinadala ang mensahe. Para madaling mapamahalaan ang mga pag-uusap, matatanggap mo ang mga sagot ng mga recipient sa magkakahiwalay na thread.
  • Kung marami kang recipient, puwede kang mag-link ng spreadsheet na naglalaman ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan nila. Magagamit ang anumang column sa spreadsheet bilang merge tag sa iyong mensahe. Kasama rito ang mga custom na detalye para sa bawat recipient para ma-personalize ang iyong mensahe.

Tingnan kung kwalipikado ka para sa pag-merge ng mail

Para magamit ang pag-merge ng mail, mag-sign in sa account na may kwalipikadong plan sa Google Workspace:

  • Workspace Individual
  • Business Standard
  • Business Plus
  • Enterprise Standard
  • Enterprise Plus
  • Education Standard
  • Education Plus

Direktang magdagdag ng mga tatanggap sa iyong mensahe

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Mag-email.
    • Puwede ka ring magbukas ng nagawa nang draft.
  3. Sa field na "Para kay:," magdagdag ng mga recipient.
  4. Sa kanan ng linyang "Para Kay:," i-click ang Gamitin ang pag-merge ng mail .
  5. I-on ang Pag-merge ng Mail.
  6. Sa iyong mensahe, ilagay ang @.
  7. Pumili ng merge tag:
    • @firstname
    • @lastname
    • @fullname
    • @email
  8. Para ilagay ang merge tag, pindutin ang Enter.

Mga Tip:

  • Para matiyak na gagamitin ng mensahe ang tamang pangalan ng recipient, tingnan ang pangalan niya sa Google Contacts.
  • Para magdagdag ng maraming recipient, gumawa ng label sa Google Contacts at igrupo ang mga recipient. Kapag idinagdag mo ang label sa linyang "Para Kay:" sa Gmail, awtomatikong ipo-populate ang mga nakagrupong recipient. Alamin kung paano isaayos ang mga contact gamit ang mga label.
  • Kung wala sa Google Contacts ang recipient, pupunan ng pag-merge ng mail ang pangalan at apelyido batay sa inilagay mo sa linyang "Para Kay:."
    • Halimbawa, kung ilalagay mo si "Lisa Rodriguez <lisa@example.com>" bilang recipient, gagamitin ng Gmail ang "Lisa" bilang @firstname at "Rodriguez" bilang @lastname.

Magdagdag ng mga recipient mula sa spreadsheet sa iyong mensahe

Mahalaga: Nasa unang tab dapat ng iyong spreadsheet ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan at text lang ang puwedeng laman nito.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Mag-email.
    • Puwede ka ring magbukas ng nagawa nang draft.
  3. Sa kanan ng linyang "Para Kay:," i-click ang Gamitin ang pag-merge ng mail .
  4. I-on ang Pag-merge ng Mail.
  5. I-click ang Magdagdag mula sa spreadsheet.
  6. Pumili ng spreadsheet.
  7. I-click ang Ilagay.
  8. Sa window, piliin ang mga column sa iyong spreadsheet kung nasaan ang impormasyon ng recipient:
    • Email
    • Pangalan
    • Apelyido (opsyonal)
  9. I-click ang Tapusin.
    • Idaragdag ang iyong spreadsheet sa linyang "Para Kay" sa mensahe.
  10. Sa iyong mensahe, ilagay ang @.
  11. Pumili ng merge tag.
    • Tinutukoy ng mga header ng column sa iyong spreadsheet ang mga merge tag.
  12. Para ilagay ang merge tag, pindutin ang Enter.

Tip: Kapag gumamit ka ng spreadsheet para sa impormasyon ng recipient, suriin ang mga character ng text na ginagamit sa iyong mga header ng column at email address.

  • Kung may mga special character maliban sa mga titik at numero ang pangalan ng column, matutukoy mo ang nauugnay na merge tag sa Gmail ayon sa posisyon nito. Halimbawa, tatawaging "@A" ang unang column.
  • Ituturing na invalid ang mga email address na may mga special character.

Matuto tungkol sa mga default na value para sa mga merge tag

Kung may recipient kang may kulang na impormasyon para sa merge tag, makakatanggap ka ng mensahe ng error. Halimbawa, makakatanggap ka ng error kung susubukan mong magpadala ng email kay "Sam <sam@example.com>" at gagamit ka ng @firstname o @lastname na merge tag. Ito ay dahil hindi sigurado ang Gmail kung pangalan o apelyido ng taong iyon ang "Sam."

Sa ganitong sitwasyon, magagawa mong:

  • Maglagay ng default na value sa mensahe ng error.
    • Halimbawa, para sa mga recipient na walang pangalan, puwedeng maging "Kumusta kaibigan" ang "Kumusta @pangalan."
  • Bumalik sa draft at:
    • Idagdag ang kulang na value sa linyang "Para Kay:," sa Google Contacts, o sa na-link mong spreadsheet.
    • Alisin ang sinumang recipient na may mga kulang na value sa linyang "Para Kay:" o sa na-link mong spreadsheet.

Hanapin ang mga ipinadala mong mensahe

Para hanapin ang mga ipinadala mong mensahe, buksan ang folder na "Naipadala" sa Gmail. Sa mensahe, may makikita kang banner na may nakasulat na "Ipinadala gamit ang pag-merge ng mail."

Maunawaan ang mga limitasyon sa pagpapadala
  • May pang-araw-araw na limitasyon sa pagpapadala na 500 papalabas na mensahe ang mga standard na Gmail account.
  • May pang-araw-araw na limitasyon sa pagpapadala na 2,000 papalabas na mensahe ang mga account sa trabaho, paaralan, at Workspace Individual.
Gamit ang pag-merge ng mail, magagawa mong:
  • Magdagdag ng hanggang 1,500 recipient sa linyang "Para Kay" kada mensahe
  • Magpadala sa maximum na 1,500 recipient kada araw
    • Kapag naka-on ang pag-merge ng mail, puwede kang magpadala ng isang mensahe sa 1,000 recipient at isa pang mensahe sa 500 ibang recipient.
Tinitiyak ng pang-araw-araw na limitasyong 1,500 recipient para sa pag-merge ng mail na makakapagpadala ka pa rin ng hanggang 500 karaniwang mensahe kada araw nang hindi lumalampas sa 2,000 kada araw na limitasyon para sa mga account sa trabaho, paaralan, at Workspace Individual.
Walang limitasyon sa bilang ng mga natatanging recipient na puwede mong makaugnayan kada buwan gamit ang pag-merge ng mail.
Maunawaan ang limitasyon sa recipient sa Cc at Bcc
Puwede kang maglagay ng isang recipient sa field na "Cc" o "Bcc" sa bawat mensahe gamit ang pag-merge ng mail. Kokopyahin sa bawat papalabas na email ang sinumang recipient na idaragdag sa field na "Cc" o "Bcc."
  • Halimbawa, kung magpapadala ka ng mensahe sa 500 recipient at ilalagay mo ang "support@company.com" sa "Bcc," makakatanggap ang "support@company.com" ng 500 kopya ng mensahe. Gagamitin ng mensaheng ito ang 1,000 sa iyong pang-araw-araw na limitasyon sa pagpapadala dahil binibilang din sa pang-araw-araw na limitasyon sa pagpapadala mo ang mga recipient sa field na "Cc" o "Bcc."
Mahalaga: Kung nagdagdag ka ng mga recipient gamit ang spreadsheet, hindi ka makakapaglagay ng mga recipient sa "Cc" o "Bcc" sa iyong mensahe.
Mga nag-unsubscribe na recipient
Kapag na-on mo ang pag-merge ng mail, awtomatikong magdaragdag ng natatanging link sa pag-unsubscribe sa ibaba ng bawat email. Puwedeng gamitin ng mga recipient ang link na ito para mag-unsubscribe o mag-resubscribe sa iyong mga email.
Makakatanggap ka ng notification sa email kapag nag-unsubscribe o nag-resubscribe ang isang recipient sa iyong mga email. Hindi ka makakakuha ng listahan ng lahat ng nag-unsubscribe na recipient.
Pagkatapos mong magpadala ng mensahe, sa lalabas na box ng pagkumpirma, makikita mo ang kabuuang bilang ng mga recipient na nag-unsubscribe at hindi makakatanggap ng email.
Mahalaga: Puwede pa ring makatanggap ang mga nag-unsubscribe na recipient ng mga mensahe mula sa iyo kapag hindi naka-on ang pag-merge ng mail o gamit ang pag-merge ng mail mula sa ibang account sa parehong domain. Halimbawa, kung mag-unsubscribe sila sa "support@company.com," puwede pa rin silang makatanggap ng mga email mula sa "marketing@company.com."
Kung gumagamit ka ng account sa trabaho o paaralan:
  • Hindi kami magdi-discard ng data ng pag-unsubscribe kapag na-delete ang isang user account.
  • Hindi makakapag-unsubscribe ang mga recipient sa mga sender na bahagi ng kanilang organisasyon.
Paano maiwasang mamarkahan bilang spam ang iyong mga mensahe
Kapag nagpadala ka ng mensahe nang maramihan, mahalagang sundin ang pinakamahuhusay na kagawian na gumagalang sa inbox ng iyong recipient. Sundin ang inyong mga lokal na regulasyon at mga patakaran ng Gmail.
Para magsagawa ng epektibong campaign sa email, dapat na mag-ugnay sa iyo at sa mga tatanggap mo ang mga mensaheng iyong ipinapadala sa isang makabuluhang paraan. Matuto pa tungkol sa pinakamahuhusay na kagawian sa maramihang email.
Maunawaan ang mga limitasyon ng pag-merge ng mail
Hindi magagamit ang pag-merge ng mail sa mga sumusunod na uri ng mensahe:
  • Pagsagot
  • Pagpapasa
  • Pag-iskedyul ng pagpapadala
  • Confidential mode
Kung magdaragdag ka ng attachment, isasama ang attachment sa kopya ng mensahe ng bawat recipient. Puwede itong gumamit ng maraming storage.
  • Halimbawa, kung magpapadala ka ng mensahe sa 500 recipient na may 10MB na attachment, gagamit ka ng humigit-kumulang 5GB ng iyong storage.

Tip: Para makatipid sa storage space, sa halip na i-attach ang file, i-upload ito sa Google Drive at i-link ito sa iyong mensahe. Alamin kung paano magbahagi ng mga file mula sa Google Drive.

Hindi ka makakagamit ng mga merge tag sa:
  • Mga linya ng paksa
  • Naka-hyperlink na text

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10995299891477876801
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false