Mula sa iyong computer, puwede mong gamitin ang Google Docs para mag-draft ng email at mabilis na i-preview ito sa Gmail.
Gamitin ang mga draft ng email sa Google Docs
- Sa iyong computer, magbukas ng Google Doc.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Maglagay
Mga building block
Draft ng email.
- Puwede mo ring i-type ang "@email" sa doc at pindutin ang Enter.
- Para magdagdag ng mga tatanggap sa field na "Kay", i-type ang "@" at maghanap sa iyong mga contact, o i-type ang mga email address.
- Puwede kang magdagdag ng linya ng paksa, sumulat ng text sa nilalaman ng email, at i-format ang iyong draft.
- Tip: Puwede kang makipag-collaborate sa ibang tao sa iyong doc para mag-draft ng email. Matuto pa tungkol sa kung paano magbahagi ng access sa iyong doc.
I-preview at ipadala ang draft ng iyong email sa Gmail
- Sa kaliwang bahagi sa itaas ng draft ng email, i-click ang I-preview sa Gmail
.
- Sa pop-up na window ng Gmail, puwede kang gumawa ng mga karagdagang pagbabago sa iyong email.
- Kapag handa ka na, i-click ang Ipadala.
- Mahalaga: Ipapadala ang draft ng email mula sa account kung saan ka naka-log in.