Ang isang signature sa email ay text, tulad ng iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan o isang paboritong quote, sa dulo ng mensahe sa email. Awtomatikong idinaragdag ang mga signature sa dulo ng mga mensahe sa Gmail, tulad ng footer. Puwedeng opsyonal mong idagdag ang isang larawan sa iyong signature sa Gmail. Matuto pa tungkol sa mga signature sa Gmail.
Kung nagkakaproblema ka sa iyong signature sa Gmail, o sa mga larawan sa iyong signature, subukan ang mga solusyon sa artikulong ito.
Mga karaniwang isyu at solusyon sa signature
- Hindi lumalabas nang wasto ang signature
- Mga extra character sa aking signature
- Hindi ma-format ang text sa aking signature
- Signature na itinatago ng tatlong tuldok sa mga ipinadalang mensahe
Mga isyu sa pag-upload ng larawan ng signature
Kung nagkakaproblema ka sa pag-upload ng larawan sa iyong signature, subukan ang mga solusyong ito:
- I-clear ang cache ng iyong browser
- I-clear ang cookies para sa mail.google.com
- Payagan ang lahat ng cookie para sa Gmail
- Baguhin ang mga pahintulot sa pagbabahagi ng Google Drive para sa larawan
- I-upload ang larawan sa isang incognito window ng Chrome
- I-upload ang larawan gamit ang ibang browser
Hindi na-format nang wasto ang larawan ng signature
Kung nagkakaproblema ka sa pag-format ng larawan ng iyong signature, subukan ang mga solusyong ito:
- I-delete at pagkatapos ay i-upload ulit ang larawan ng signature
- Gumamit ng ibang paraan sa pag-upload
- Gumamit ng larawan ng signature sa inirerekomendang laki
Mga karaniwang isyu sa signature sa Gmail
Subukan ang mga hakbang na ito para sa mga pangkalahatang isyu sa pagpapakita at pag-format ng mga signature sa Gmail.
Hindi lumalabas nang wasto ang signature
Minsan hindi naipapakita nang tama ng Gmail ang naka-format na text sa isang signature. Subukang alisin ang pag-format:
- Buksan ang Gmail.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga SettingTingnan ang lahat ng setting.
- Sa seksyong Signature, piliin ang iyong signature.
- I-click ang Alisin ang pag-format .
Puwede ring maging dahilan ng isyung ito ang isang larawan ng signature na masyadong malaki. Para sa isang solusyon, pumunta sa Gumamit ng larawan ng signature sa inirerekomendang laki.
Hindi ma-format ang text sa aking signature
Kung hindi mo ma-format ang text ng iyong signature, at lalabas angPlain Text sa itaas ng kahon ng signature, i-off ang plain text mode bago i-edit ang iyong signature:
- Buksan ang Gmail.
- I-click ang Mag-email.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Higit pang opsyon .
- I-uncheck ang Plain text mode.
Mga extra character sa aking signature
Hindi sinusuportahan ng ilang bersyon ng Gmail ang mga opsyon sa pag-format, gaya ng pag-bold o pag-italic. Ang naka-format na text sa mga bersyon ng Gmail na ito ay puwedeng magresulta sa mga karagdagang character sa iyong signature. Para alisin ang mga karagdagang character, alisin ang pag-format mula sa iyong signature:
- Buksan ang Gmail.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Tingnan ang lahat ng setting.
- Sa seksyong Signature, i-highlight ang iyong signature.
- I-click ang Alisin ang pag-format .
Signature na itinatago ng tatlong tuldok sa mga ipinadalang mensahe
Kung hindi mo mahanap ang iyong signature sa isang mensahe sa Gmail, posibleng nasa ibaba ito ng nilalaman ng mensahe. Ang mga signature ay hinihiwalay mula sa nilalaman ng mensahe sa pamamagitan ng dalawang dash.
Para ipakita ang iyong signature, mag-scroll sa ibaba ng mensahe, at pagkatapos ay i-click ang Ipakita ang pinaikling content .
Mga isyu sa pag-upload ng larawan ng signature
Kung may problema ka sa pag-upload ng mga larawan, subukan ang isa o higit pa sa mga solusyon sa seksyong ito. Puwedeng kasama sa mga isyu sa pag-upload ng larawan ang:
- Hindi nag-a-upload ang larawan
- Hindi lumalabas ang larawan sa signature
- Hindi lumalabas sa signature ang idinagdag na larawan mula sa Google Drive
- Ang opsyon lang sa pag-upload ay sa pamamagitan ng URL
Tandaan: Para sa Chrome ang mga tagubilin sa seksyong ito. Kung gumagamit ka ng Safari, Firefox, o iba pang browser, tingnan ang site ng suporta ng iyong browser para sa mga tagubilin.
I-clear ang cache ng iyong browserKung gumagamit ka ng browser, gaya ng Chrome, sino-store ang ilang impormasyong mula sa mga binisitang website sa cache ng memory ng browser. Posibleng maayos ng pag-clear sa cache ang mga problema sa pag-upload ng larawan ng signature:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Mga Setting.
- I-click ang Higit pang toolI-clear ang data mula sa pagba-browse.
- Sa itaas, pumili ng hanay ng oras. Para i-delete lahat, piliin ang Lahat ng oras.
- Lagyan ng check ang kahong Mga naka-cache na larawan at file.
- I-click ang I-clear ang data.
Ang cookies ay mga file na ginagawa ng mga website na binibisita mo. Mas pinapadala ng mga ito ang iyong online na karanasan sa pamamagitan ng pagse-save ng impormasyon na tungkol sa iyong pagba-browse sa web. Posibleng maayos ng pag-clear sa cookies ang mga problema sa pag-upload ng mga larawan ng signature:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Mga Setting.
- Sa kaliwa, i-click ang Privacy at seguridad.
- I-click ang Cookies at iba pang data ng site.
- Mag-scroll pababa at i-click ang Tingnan ang lahat ng cookies at data ng site.
- Sa kanang bahagi sa itaas, ilagay ang mail.google.com sa field ng Paghahanap ng cookies.
- I-click ang button ng Alisin lahat.
Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa pag-clear sa cookies ng Chrome, pumunta sa I-clear, i-enable, at pamahalaan ang cookies sa Chrome.
Puwede mong i-block o payagan ang lahat ng cookies para sa mga partikular na site. Posibleng maayos ng pagpayag sa lahat ng cookies para sa Gmail ang mga problema sa pag-upload ng mga larawan ng signature:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Mga Setting.
- Sa kaliwa, i-click ang Privacy at seguridad.
- Mag-scroll pababa sa Mga naka-customize na gawi.
- Sa tabi ng Mga site na palaging puwedeng gumamit ng cookies, i-click ang Magdagdag.
- Sa kahon na Magdagdag ng site, ilagay ang mail.google.com, pagkatapos ay i-click ang Idagdag.
Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa pagpayag sa cookies para sa mga partikular na site, pumunta sa I-clear, i-enable, at pamahalaan ang cookies sa Chrome.
Para gumamit ng larawan ng Google Drive sa iyong signature, dapat nakatakda sa pampubliko ang mga setting ng pagbabahagi ng larawan.
Tandaan:Kung gagamitin mo ang Gmail sa iyong account sa trabaho o paaralan, hilingin sa administrator mo na payagan kang magbahagi ng mga larawan sa publiko.
- Piliin ang image file na gusto mong gamitin sa iyong signature.
- I-click ang Ibahagi o Magbahagi Kunin ang link.
- Sa ilalim ng Kunin ang Link, piliin ang Baguhin sa sinumang may link.
- Para payagan ang sinuman na tingnan ang larawan ng iyong signature, piliin ang Viewer.
- I-click ang Tapos na.
Tip: Para magdagdag ng larawan mula sa Drive sa iyong signature, inirerekomenda namin ang opsyong "Aking Drive." Hanapin ang larawan sa Drive. Pagkatapos, i-click ang Piliin.
Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa pagbabahagi sa Drive, pumunta sa Magbahagi ng mga file mula sa Google Drive.
Gumagana ang incognito mode sa isang hiwalay na window mula sa mga standard na window ng Chrome. Nagbibigay-daan sa iyo ang incognito mode na mag-browse sa web nang pribado. Kung nagkakaproblema ka pa rin sa pag-upload ng larawan ng signature, subukang i-upload ang larawan gamit ang isang incognito window:
- Sa Chrome, magbukas ng bagong incognito window. Mga detalyadong tagubilin
- Mag-log in sa iyong Google account.
- Pumunta sa iyong mga setting ng Gmail at mag-upload ng larawan ng signature gaya ng karaniwan mong ginagawa. Mga detalyadong tagubilin
- Isara ang incognito mode. Mga detalyadong tagubilin
Kung hindi mo ma-upload ang isang larawan gamit ang ibang solusyon sa seksyong ito, subukang i-upload ang larawan gamit ang ibang browser.
Mga isyu sa pag-format o pagpapakita ng larawan ng signature
Puwedeng may mga isyu sa pag-format o pagpapakiata ang mga larawan ng signature. Kasama sa mga halimbawa kapag ang isang larawan ay:
- Lumalabas bilang question mark o icon ng sirang larawan
- Mali ang laki
- Hindi ma-format
Subukan ang mga solusyon sa seksyong ito para ayusin ang mga isyu sa pag-format ng larawan ng signature.
I-delete at pagkatapos ay i-upload ulit ang larawan ng signatureI-delete ang iyong larawan ng signature. at i-upload ito ulit. Para sa mga detalyadong tagubilin, pumunta sa Gumawa ng signature sa Gmail.
Mayroong 3 paraan para magdagdag ng larawan sa iyong signature:
- Address sa Web (URL)–Ilagay ang URL ng larawan na available sa publiko sa web
- Aking Drive–Mag-browse at pumili ng pampublikong larawan mula sa iyong Google Drive
- Pag-upload–Mag-upload ng image file mula sa iyong device, gaya ng telepono, tablet, o computer.
Kung hindi ka makapagdagdag ng larawan sa iyong signature gamit ang isa sa mga paraan, subukan ang iba pang 2 paraan.
Inirerekomenda namin ang isang larawan ng signature na 70–100 pixel ang taas at 300–400 pixel ang lapad. Ang maximum na laki ng mga larawan ng signature sa email ay 100 pixel ang taas at 1000 pixel ang lapad.
Subukan ang mga opsyon na ito para i-resize ang larawan:
- I-resize ang larawan sa isang computer o mobile device bago mo ito i-upload sa iyong signature.
- Pagkatapos mong i-upload ang larawan sa iyong signature, piliin ang larawan sa editor ng signature. Pagkatapos ay, pumili ng opsyon sa laki: Maliit, Katamtaman, Malaki, o Orihinal na laki.
- Idagdag ang larawan sa Google Doc at i-resize ang larawan sa Doc. Pagkatapos ay, kopyahin ang larawan at i-paste ito sa iyong signature.