Alamin ang tungkol sa pinakamahuhusay na kagawian sa maramihang email

Kapag magpapadala ka ng mga komersyal o maramihang email, mahalagang sundin ang pinakamahuhusay na kagawian na gumagalang sa inbox ng iyong tatanggap at sumunod sa mga lokal na regulasyon at mga patakaran ng Gmail.

Para magpatakbo ng epektibong campaign sa email, dapat na mag-ugnay sa iyo at sa mga tatanggap mo sa isang makabuluhang paraan ang mga mensaheng iyong ipinapadala. Tingnan sa ibaba para sa mga rekomendasyon para makatulong na pahusayin ang pagiging epektibo ng iyong mga maramihang email.

Kunin ang pahintulot ng iyong mga tatanggap

Maraming bansa at rehiyon ang mayroong mga kinakailangan na makakuha ng pahintulot bago ka magpadala ng mga komersyal na email sa mga customer. Bago ka magpadala sa kanila ng email, pinakamabuti na makakuha ng malinaw na pahintulot sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga customer ng opsyong mag-opt in o mag-subscribe sa iyong listahan ng email.

Marami ring bansa at rehiyon ang mayroong mga kinakailangan na magbigay ng paraan para mag-unsubscribe ang mga tatanggap. Puwede kang gumamit ng pag-merge ng mail para magpadala ng mga komersyal o maramihang email na may naka-built in na button na mag-unsubscribe. Matuto pa tungkol sa pag-merge ng mail.

Tip: Tandaan na hindi makakapag-unsubscribe ang mga customer mula sa ilang partikular na uri ng mga mensahe, gaya ng mga kumpirmasyon ng order at mensaheng resibo.

Sundin ang mga naaangkop na batas ng SPAM

Sa maraming bansa at rehiyon, dapat na may kasamang impormasyon ang mga komersyal at maramihang email para makilala ang nagpadala.

Kung isa kang Subscriber sa Google Workspace Individual na gumagamit ng mga layout ng Gmail, puwede mong i-customize ang content ng footer para isama ang:

  • Pangalan ng negosyo
  • Address ng negosyo
  • Numero ng telepono

Matuto pa tungkol sa mga layout ng Gmail.

Iwasan ang mapanlinlang na content

Ang panlilinlang ay direktang laban sa patakaran ng Gmail at lubos kaming nagpapayo laban sa anumang pagsubok na isagawa ito. Dapat iwasan ng mga komersyal at maramihang email ang mapanlinlang na:

  • Mga linya ng paksa at content
  • Mga header ng mensahe
  • Mga pangalan ng nagpadala
  • Mga address ng padadalhan

Hayaang mag-unsubscribe ang mga kalahok mula sa mga hindi gustong email

Maraming bansa at rehiyon rin ang humihiling sa mga nagpadala na magbigay ng paraan para mag-unsubscribe ang mga tatanggap. Sa Gmail, may built in na suporta sa pag-unsubscribe ang pag-merge ng mail para tulungan ka. Matuto pa tungkol sa pamamahala ng mga kahilingan sa pag-unsubscribe gamit ang pag-merge ng mail.

Mag-email ng malinaw na mensahe

Gumamit ng malilinaw na paksa at ulo ng balita para malinaw na ipaalam ang iyong mga layunin. Kung gusto mo ng pakikipag-ugnayan mula sa iyong audience, magsama ng malinaw na call-to-action o button.

Inirerekomenda rin namin sa iyong:

  • Maghatid ng mensahe na naaayon sa iyong brand o website.
  • Gumawa ng content na hindi mapanlinlang.
  • Gumamit ng mga link at button na tumpak na naglalarawan sa destinasyon ng mga ito.

Magtakda ng mga inaasahan para sa dalas ng email

Kung regular kang nagpapadala ng mga mensahe na sa tingin ng iyong mga subscriber ay hindi kapaki-pakinabang, mas malamang na mag-unsubscribe o markahan nila ito bilang spam.

Para maiwasan ito, inirerekomenda naming:

  • Tiyakin mong magpapadala ka ng mga mensahe sa dalas na sa tingin ng iyong audience ay makatuwiran.
  • Magtakda ka ng malilinaw na inaasahan tungkol sa kung gaano kadalas makakatanggap ang iyong mga customer ng mga mensaheng mula sa iyo at kung ano ang nilalaman ng mga mensaheng iyon.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13436521538856479959
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false