Baguhin ang mga notification sa Gmail

Mapipili mo kung paano ka ino-notify ng Gmail kapag nakatanggap ka ng mga bagong email. Nakadepende sa device mo ang mga uri ng mga notification na puwede mong ma-customize.

Gusto mong bang masulit ang mga Google app sa trabaho o paaralan?  Mag-sign up para sa isang Google Workspace libreng trial.

Tingnan ang iyong mga setting ng notification ng device

Mahalaga: Para makatanggap ng mga notification sa Gmail, i-on ang mga notification sa device.

  1. Sa iPhone o iPad mo, pumunta sa mga setting ng device mo.
  2. Tingnan ang iyong mga setting ng notification para sa Gmail.

I-on o i-off ang mga notification sa Gmail

Kung marami kang account sa Gmail app, kailangan mong baguhin ang setting na ito para sa bawat account.

Naka-on ang mga notification para sa anumang mensahe sa email sa iyong Pangunahing label bilang default.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Gmail app .
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu at pagkatapos ay Mga Setting .
  3. Sa ilalim ng "Mga Notification," i-tap ang Mga notification sa email.
  4. Pumili ng antas ng notification.

Maabisuhan para sa mga mahalagang email

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Gmail app .
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu at pagkatapos ay Mga Setting .
  3. Sa ilalim ng "Mga Notification," i-tap ang Mga notification sa email at pagkatapos ay Mataas na priyoridad lang.

I-on o i-off ang mga tunog ng notification

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Gmail app .
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu at pagkatapos ay Mga Setting .
  3. Para baguhin ang iyong tunog ng notification para as:
    • Email: Sa ilalim ng "Mga Notification," i-tap ang Mga notification sa email at pagkatapos ay Mga tunog ng notification.
    • Chat at Spaces: Sa ilalim ng “Mga Notification,” i-tap ang Mga notification sa chat at pagkatapos ay Mga tunog ng notification.
    • Kapag naka-on ang mga tunog, ipapakita ang pangalan ng tunog.
  4. Piliin ang tunog ng notification na gusto mong gamitin.
  5. Para i-off ang mga tunog ng notification, i-tap ang Wala.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10134546344888963949
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false