Notification

Mahalagang update: Ima-migrate sa Help Center ng Google Maps ang mga suportang artikulo ng Tulong sa Local Guides sa mga darating na buwan.

Gumawa ng listahan ng mga lugar

Sa Google Maps, puwede kang gumawa ng listahan ng mga lugar, gaya ng iyong mga paboritong lugar o mga lugar na gusto mong puntahan.

Gumawa ng bagong listahan

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. I-click ang Menu Menu at pagkatapos ay Naka-save I-save ang lugar.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Bagong listahan Plus.
  4. Maglagay ng pangalan at paglalarawan.
  5. I-click ang I-save.

Mag-save ng lugar sa isang listahan

  1. Maghanap ng lugar o i-click ito sa mapa.
  2. I-click ang I-save.
  3. Pumili ng listahan. Para gumawa ng listahan, i-click ang Bagong listahan Plus.
  4. Opsyonal: Para mag-alis ng lugar sa listahan, i-click ang Naka-save I-save ang lugar at pagkatapos ay ang listahan.

Tingnan ang iyong mga listahan

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. I-click ang Menu Menu at pagkatapos ay Naka-save I-save ang lugar.

Mag-edit o mag-delete ng listahan

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. I-click ang Menu Menu at pagkatapos ay Naka-save I-save ang lugar.
  3. Para magbura ng listahan, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-delete ang listahan.
  4. Para mag-edit ng listahan, sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-edit ang listahan. Mula rito, magagawa mong:
    • I-edit ang listahan: I-click ang pangalan o paglalarawang gusto mong baguhin.
    • Magdagdag ng tala: I-click ang kahon sa ibaba ng address. Maaari kang magdagdag ng hanggang 4,000 character.
    • Mag-delete ng naka-save na lugar: I-click ang Alisin Alisin.

Awtomatikong mase-save ang iyong mga pagbabago. Lalabas ang iyong komento sa naka-save na listahan mo sa ibaba ng lugar.

Magtago o magbahagi ng mga listahan

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. I-click ang Menu Menu at pagkatapos ay Naka-save I-save ang lugar.
  3. Sa tabi ng listahang gusto mong ibahagi, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay pumili ng opsyon:

Itago o ipakita ang iyong listahan

Upang ipakita o itago ang mga naka-save na lugar mo kapag tumitingin sa mapa, i-click ang Itago/Ipakita sa iyong mapa.

Ibahagi ang iyong listahan

Tandaan: Hindi mo maibabahagi ang mga naka-star na lugar.
Para hayaang makita ng iba ang iyong naka-save na listahan, i-click ang Ibahagi ang listahan at pagkatapos ay piliin kung paano ito ibabahagi. Kung gusto mo ng link na maibabahagi mo sa iba, i-click ang Kumuha ng link.
Para pagpasyahan kung gaano kadaling mahanap ang iyong listahan, i-click ang Mga opsyon sa pagbabahagi.

Pamahalaan kung sino ang makakapag-edit sa iyong mga nakabahaging listahan

Mag-imbita ng iba na i-edit ang iyong listahan

Puwede kang mag-imbita ng iba para i-edit ang iyong mga nakabahaging listahan:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. I-click ang Menu Menu at pagkatapos ay Naka-save I-save ang lugar.
  3. Sa ilalim ng "Mga Listahan," mag-click sa isang listahan.
  4. Sa itaas ng listahan, i-click ang Ibahagi at pagkatapos ay Mag-imbita na mag-edit.
  5. I-click ang Kopyahin ang link.
    • Puwede mo ring ibahagi ang link sa ibang user sa pamamagitan ng Gmail, X, o Facebook.

Mag-alis ng mga editor

Para alisin ang lahat ng kasalukuyang editor:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. I-click ang Menu Menu at pagkatapos ay Naka-save I-save ang lugar.
  3. Sa tabi ng isang listahan, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga opsyon sa pagbabahagi.
  4. Sa ilalim ng "Mga Opsyon sa Pag-edit," i-toggle para i-off ang Ipa-edit sa iba itong listahan.

Subaybayan ang isang listahan

Kung sinusubaybayan mo ang isang listahang gawa ng ibang tao, lalabas ang mga naka-save niyang lugar sa Naka-save I-save ang lugar. Lalabas din ang mga lugar bilang mga iminumungkahing lokasyon sa Google Maps.

  1. Buksan ang listahan.
  2. Sa itaas, i-click ang Subaybayan. Maidaragdag na ngayon ang listahang ito sa grupo ng mga listahang sinusubaybayan mo.
  3. Opsyonal: Para huwag nang subaybayan ang isang listahan, i-click ang listahan at pagkatapos ay Sinusubaybayan.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12318972191510155199
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false