Mag-ulat ng Content sa Google

Nalalapat ang mga patakaran sa content at produkto ng Google nasaan ka man sa mundo, pero may mga proseso rin kaming ipinapatupad para sa pag-aalis o paghihigpit ng content batay sa mga lokal na batas. Matutulungan ka ng page na ito na pumunta sa tamang lugar para mag-ulat ng content na gusto mong ipaalis sa mga serbisyo ng Google sa ilalim ng mga patakaran ng Google o mga naaangkop na batas.

Puwede ka ring pumunta sa http://support.google.com para sa mga isyung hindi legal na nauugnay sa Mga Tuntunin ng Serbisyo o mga patakaran sa content at produkto ng Google. 

Malaki ang pagkakaiba-iba ng mga legal na pamantayan sa iba't ibang bansa/rehiyon. Ang content na lumalabag sa isang partikular na batas sa isang bansa/rehiyon ay puwedeng legal sa iba. Karaniwang inaalis o pinaghihigpitan namin ang access sa content sa bansa/rehiyon lang kung saan ito itinuturing na ilegal. Gayunpaman, kapag napag-alamang lumalabag ang content sa mga patakaran sa content o produkto, o Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, karaniwang inaalis o pinaghihigpitan namin ang access sa buong mundo.

Puwede mong iulat ang iisang content sa path ng pag-uulat para sa legal at para sa patakaran sa content/produkto, pero kailangan mong ihain nang magkahiwalay ang bawat ulat. Tandaang hindi makakahalili ang pag-uulat ng content sa pamamagitan ng path para sa patakaran sa content/produkto sa pag-uulat nito sa path para sa legal, at hindi ito magsisilbing legal na notice.

 

Piliin ang produkto ng Google kung saan lumalabas ang content na iniuulat mo
Tandaan: Dapat magsumite ka ng hiwalay na ulat para sa bawat produkto ng Google kung saan lumalabas ang content
false
Pangunahing menu
11089380839692340140
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false