Ano ang "Makatarungang Paggamit"?

Sa maraming bansa, hindi nilalabag ng ilang partikular na paggamit ng mga gawang may copyright ang mga karapatan ng may-ari ng copyright. Halimbawa, sa Estados Unidos, nililimitahan ang mga karapatan sa copyright sa pamamagitan ng doktrina ng "makatarungang paggamit," na kung saan maaaring isaalang-alang na makatarungan ang ilang partikular na paggamit ng mga materyales na may copyright para sa, ngunit hindi nililimitahan sa, pagpuna, komentaryo, pagbabalita, pagtuturo, pag-aaral o pananaliksik. Tinutukoy ng mga hukom sa U.S. kung may-bisa ang depensang makatarungang paggamit alinsunod sa apat na salik, na inilista namin sa ibaba para sa mga layuning pang-edukasyon. Sa ilang iba pang mga bansa, mayroong katulad na konseptong tinatawag na "makatarungang kasunduan" na maaaring ilapat sa ibang paraan.

Tandaan, pananagutan mong unawain ang mga kaugnay na batas at kung pinoprotektahan ba nito ang paggamit na iniisip mo. Kung pinaplano mong gumamit ng materyales na may copyright na hindi ikaw ang gumawa, lubos naming inirerekomenda na humingi ka muna ng payong legal. Hindi makakapagbigay ang Google ng payong legal o makakapagsagawa ng mga pagpapasya sa usaping legal.

Ang apat na salik ng makatarungang paggamit:

1. Ang layunin at katangian ng paggamit, kabilang kung ang nasabing paggamit ay likas na pangkomersyal o para sa mga layuning pang-edukasyong hindi pinagkakakitaan

Karaniwang nakatuon ang mga hukuman sa kung "nakapagdudulot ng pagbabago" ang paggamit. Iyon ay, kung nagdaragdag ito ng bagong pagpapahayag o kahulugan sa orihinal, o kung halos kumukopya lang ito mula sa orihinal.

2. Ang katangian ng gawang may copyright

Ang paggamit ng materyales mula sa mga gawang pangunahing nakabatay sa katotohanan ay mas malamang na maging makatarungan kaysa sa paggamit ng mga gawang ganap na kathang-isip.

3. Ang dami at kabuluhan ng bahaging ginamit kaugnay ng gawang may copyright sa kabuuan

Ang paghiram ng maliliit na bahagi ng materyales mula sa isang orihinal na gawa ay mas malamang na isaalang-alang na makatarungang paggamit kaysa sa paghiram ng malalaking bahagi. Gayunpaman, kahit na ang maliit na pagkuha ay maaaring lumabag sa makatarungang paggamit sa ilang sitwasyon kung binubuo nito ang “diwa” ng gawa.

4. Ang epekto ng paggamit sa potensyal na market para sa o value ng gawang may copyright

Malamang na hindi mga makatarungang paggamit ang mga paggamit na nakakahamak sa kakayahan ng may-ari ng copyright na kumita mula sa kanyang orihinal na gawa sa pamamagitan ng pagsisilbi bilang kapalit para sa pangangailangan para sa gawang iyon.

Pangunahing menu
10560967721727011199
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false