Pandaraya
Ano ang Pandaraya?
Nagkakaroon ng pandaraya kapag idinidisenyo ang isang produkto o serbisyo para lusutan ang barrier na kumokontrol sa access sa isang gawang may copyright. Halimbawa, posibleng nagbibigay ng serbisyo ng pandaraya ang website na may tagabuo ng serial key para sa software na may copyright.
Sino ang maaaring maghain ng kahilingan sa pandaraya?
Ang kahilingan sa pandaraya ay puwede lang ihain ng may-hawak ng karapatan, ng kanyang pinahintulutang kinatawan, o ng lisensyadong vendor ng pinag-uusapang materyales na may copyright.
Pamemeke
Ano ang mga pekeng produkto?
Ginagaya ng mga pekeng produkto ang mga feature ng brand ng isang produkto sa pagtatangkang maituring ang mga sarili nito bilang tunay na produkto ng may-ari ng brand.
Paano tumutugon ang Google sa mga site na posibleng may pekeng content?
Bilang bahagi ng aming mga tuntunin ng serbisyo, puwede kaming magsagawa ng pagkilos sa mga indibidwal na Google account na pinaghihinalaang nagbibigay o nagpo-promote ng mga pekeng produkto.
Sa Google Search, kapag naabisuhan, aalisin namin ang mga web page na nagbebenta ng mga pekeng produkto. Sa pamamagitan ng aming proseso sa mga pag-aalis, puwede naming matukoy ang mga site na mapag-aalamang dati nang nagbebenta ng mga pekeng produkto. Gagamitin namin ang mga insight na ito para i-update ang aming sistema ng ranking at limitahan ang pagiging visible ng mga site na ito sa Search.
Para maghain ng abiso sa pamemeke, sumangguni sa troubleshooter ng partikular na serbisyo.
Mga Utos ng Hukuman
Tumatanggap ba ang Google ng mga third party na utos ng hukuman?
Kapag napagpasyahan ng hukuman na labag sa batas ang mga web page sa mga resulta ng paghahanap ng Google o ang content sa isang serbisyo ng Google, puwede mong isumite ang utos sa pamamagitan ng aming troubleshooter para masuri namin ito. Pakitandaang tumatanggap lang kami ng mga valid na utos ng hukuman na nilagdaan ng isang hukom. Maaari naming boluntaryong alisin ang content mula sa aming mga serbisyo kung binigyan kami ng mga partikular na URL at kung ipinapahiwatig ng mga tuntunin ng utos ng hukuman na lumalabag sa batas ang content.
Paano ko papadalhan ang Google ng kopya ng isang utos?
Upang magsumite ng kopya ng may-bisang utos ng hukuman sa pamamagitan ng aming troubleshooter, mangyaring magsimula sa pamamagitan ng pagpili sa serbisyo kung saan lumalabas ang content. Halimbawa, pipiliin mo ang "Paghahanap sa Web" kung naka-link ang webpage mula sa mga resulta ng paghahanap ng Google. Pagkatapos, piliin ang opsyong: “Mayroon akong utos ng hukuman na nagpapahayag na labag sa batas ang ilang partikular na content.”
Sa sandaling naabot mo na ang naaangkop na webform, hinihiling namin sa iyong ibigay ang sumusunod na impormasyon:
- isang kopya ng utos ng hukuman,
- ang URL para sa bawat web page na naglalaman sa content na pinaparatangang lumabag,
- ang eksaktong text o content mula sa bawat URL na lumalabag sa mga tuntunin ng utos, at
- ang partikular na seksyon o pahina ng utos ng hukuman na nag-uutos sa pag-aalis sa mga webpage na ito.
Paano kung pinangalanan ng utos ng hukuman ang Google?
Ginagamit namin ang troubleshooter na ito upang tumanggap at magsuri ng mga utos ng hukuman laban sa mga third party na nag-post ng content na pinaparatangang labag sa batas. Kung nakadirekta sa Google ang iyong utos ng hukuman, huwag isumite ang utos sa pamamagitan ng troubleshooter -- hindi namin tinatanggap ang serbisyo ng proseso sa ganitong paraan.
Pakitandaan, sa pagsusumikap na manatiling transparent, posible rin kaming magpadala ng kopya ng bawat legal na notice na matatanggap namin sa third-party na organisasyon, ang Lumen, para sa publication. Maaaring ipakita ang iyong liham sa amin sa mga resulta ng paghahanap ng Google o sa webpage ng Google kapalit ng inalis na content (mananatili ang iyong pangalan, ngunit ie-edit ng Lumen ang personal na impormasyon sa pakikipag-ugnayan). Makakakita ka ng halimbawa ng na-publish na legal na notice dito.