Mag-ulat ng Content para sa Mga Legal na Dahilan

Paghiling ng mga pag-aalis ng content sa mga produkto ng Google para sa mga Legal na dahilan

Sineseryoso namin ang hindi naaangkop na content

Kung may makita kang content sa isang produkto ng Google na sa tingin mo ay lumalabag sa batas o sa iyong mga karapatan, ipaalam sa amin. Susuriin namin ang materyal at pag-iisipan namin ang pag-block, paglimita, o pag-aalis ng access dito. Ang mga gawing tulad ng phishing, karahasan, o tahasang content ay puwede ring lumabag sa aming mga patakaran sa produkto at maging kwalipikado para sa pag-aalis sa mga produkto ng Google. Bago gumawa ng kahilingan, subukang i-flag ang content sa nauugnay na produkto. 
 

Gumawa ng kahilingan

 

Protektahan ang iyong impormasyon

Nilalayon naming makapagbigay sa iyo ng pinakamalalakas na tool sa seguridad at privacy sa buong mundo. Mahalaga para sa amin ang seguridad at privacy, at lubos kaming nagsisikap para maiayos ang mga ito.

Basahin ang aming Patakaran sa Privacy para matuto tungkol sa kung paano gumagamit ng impormasyon ang Google at tungkol sa mga paraan para maprotektahan mo ang iyong sarili.

Makakatulong ang aming Safety Center sa iyo at sa pamilya mo na manatiling ligtas online. Bumisita para matuto pa at maunawaan kung paano tumutulong ang Google na protektahan ka, ang iyong computer, at ang Internet laban sa cybercrime.

Inuuna namin ang transparency

Pangunahing pinapahalagahan sa Google ang transparency. 

Bilang bahagi ng aming mga pagsisikap para manatiling transparent, puwede kaming magpadala ng kopya ng bawat legal na notice na matatanggap namin sa proyektong Lumen para sa publication. Ang Lumen ay isang independent na proyekto ng pananaliksik na pinapamahalaan ng Berkman Klein Center for Internet & Society sa Harvard Law School. Naglalaman ang database ng Lumen ng milyon-milyong kahilingan sa pagtanggal ng content na boluntaryong ibinahagi ng iba't ibang kumpanya, kabilang ang Google. Layunin nitong bigyang-daan ang pang-akademya at pang-industriyang pananaliksik kaugnay ng availability ng online na content. Ire-redact ng Lumen ang personal na impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng nagsumite (ibig sabihin, ang numero ng telepono, e-mail, at address).

Puwede kang tumingin ng halimbawa ng Publication ng Lumen dito.

Posible rin kaming mag-publish ng katulad na impormasyon mula sa iyong notice sa aming Transparency Report na nagbibigay ng data sa mga kahilingang natatanggap namin mula sa mga may-ari ng copyright at pamahalaan na mag-alis ng impormasyon sa aming mga produkto.

Pag-unawa sa copyright

Patakaran ng Google na sumunod sa mga notice ng paglabag sa copyright alinsunod sa Digital Millennium Copyright Act. Para magbasa pa tungkol sa aming mga patakaran sa copyright at sa mga kinakailangan ng isang kumpletong notice, bisitahin ang aming Help Center ng Copyright.

Mga app ng Google
Pangunahing menu
12782743380321477030
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true