Tungkol sa Lumen

Para lalo pang paigtingin ang transparency at accountability sa aming mga kagawian sa pangangasiwa ng online na content, nagbabahagi ang Google LLC ng ilang partikular na legal na abiso na natatanggap namin na humihiling ng pag-aalis ng content mula sa marami sa aming mga serbisyo sa isang third party na proyektong tinatawag na Lumen. Ang Lumen ay isang independiyenteng proyekto sa pananaliksik na pinapamahalaan ng Berkman Klein Center for Internet & Society sa Harvard Law School na nagtatabi, nagsusuri, at nagpa-publish ng mga kopya ng mga kahilingan sa pagtatanggal ng online na content na boluntaryong ibinahagi sa Lumen ng iba't ibang kumpanya, tulad ng Google LLC. Layunin nito na bigyan ng impormasyon ang publiko at pangasiwaan ang pananaliksik para sa pamamahayag, pang-akademiko, o na nakatuon sa patakaran tungkol sa pandaigdigang “ecology” ng pag-aabiso at pagtatanggal at ang availability ng content sa web.

Bakit kami nagbabahagi sa Lumen?

Pangunahing pagpapahalaga ang transparency sa Google, lalo na ang may kaugnayan sa availability ng impormasyon at content sa aming mga serbisyo. Nakatuon kami sa pananagot at pag-iwas sa pang-aabuso at panloloko sa aming mga online na kagawian sa pangangasiwa ng content. Ang pagbabahagi ng kopya ng ilang partikular na abiso ng legal na pag-aalis na natanggap namin sa proyektong Lumen para sa pag-publish ay isa sa pinakamahahalagang paraan para maabot ang mga layuning ito. Sa pamamagitan ng proyektong Lumen, matututunan ng mga user ng internet, may-ari ng content, at mananaliksik ang tungkol sa mga kahilingan sa pag-aalis ng content na natatanggap ng mga internet platform, tulad ng Google. Ang mga layunin ng Lumen ay “pangasiwaan ang pananaliksik tungkol sa iba't ibang uri ng reklamo at kahilingan para sa pag-aalis—kasama ang parehong lehitimo at kaduda-duda—na ipinapadala sa mga publisher ng Internet, search engine, at service provider, at para magbigay ng pinakamataas na antas ng transparency na posible tungkol sa ‘ecology’ ng mga naturang abiso, pagdating sa kung sino ang nagpapadala ng mga ito at kung bakit, at kung para saan.”

Anong data ang ibinabahagi sa Lumen?

Inilalarawan namin sa ibaba ang mga kategorya ng impormasyon na puwede naming ibahagi sa Lumen kapag kabilang sa mga legal na abiso na humihiling ng pag-aalis ng content sa marami sa aming mga produkto at serbisyo. Kasama sa mga halimbawa ng mga produkto at serbisyong ito ang Search, Blogger, Mga Lokal na Review, at Groups. Depende sa isyu kung bakit nagsumite ng kahilingan ayon sa nakalista sa ibaba, karaniwang ibinabahagi ng Google sa Lumen ang:

  • Pangalan ng taong humiling
  • Pangalan ng may-ari ng mga karapatan
  • Mga iniulat na URL
  • Bansa ng kahilingan
  • Petsa ng kahilingan
  • Paliwanag ng kahilingang ibinigay sa form ng kahilingan sa pag-aalis
  • Anumang dokumentong ibinigay bilang mga attachment na sumusuporta sa kahilingan

Hinding hindi nagbabahagi ang Google sa Lumen ng anumang impormasyong ibinigay sa mga field ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan, tulad ng email address, sa anumang kahilingan sa pag-aalis ng content.

Mga kahilingang may kaugnayan sa paninirang-puri

Karaniwan, hindi ibinabahagi ng Google sa Lumen ang pangalan ng indibidwal na humiling dahil sa paninirang-puri.

Para sa mga kahilingang may kaugnayan sa content na mapanirang-puri di-umano, karaniwang ibinabahagi ng Google sa Lumen ang:

  • Uri ng kahilingan (paninirang-puri)
  • Mga iniulat na URL
  • Bansa ng kahilingan
  • Petsa ng kahilingan
  • Anumang dokumentong ibinigay bilang mga attachment na sumusuporta sa kahilingan, maliban na lang kung kumpidensyal
  • Paliwanag ng kahilingang ibinigay sa form ng kahilingan sa pag-aalis, maliban na lang kung naglalaman ito ng pribadong impormasyon, tulad ng email address, na nire-redact bago ibahagi

Bilang pagbubukod sa itaas, puwede ring ibahagi ng Google sa Lumen ang pangalan ng indibidwal na humiling ng pag-aalis sa mga sitwasyon kung saan may mataas na antas ng interes ng publiko sa pagbabahagi ng impormasyong ito kasunod ng assessment batay sa bawat kaso.

Mga kahilingang may kaugnayan sa mga batas sa copyright at trademark

Para sa mga kahilingan sa pag-aalis ng content na isinumite sa ilalaim ng DMCA, iba pang batas sa copyright, o batas sa trademark, karaniwang ibinabahagi ng Google sa Lumen ang:

  • Uri ng kahilingan (copyright o trademark)
  • Pangalan ng taong humiling
  • Pangalan ng may-ari ng mga karapatan
  • Mga iniulat na URL
  • Bansa ng kahilingan
  • Petsa ng kahilingan
  • Anumang dokumentong ibinigay bilang mga attachment na sumusuporta sa kahilingan
  • Paliwanag ng kahilingang ibinigay sa form ng kahilingan sa pag-aalis
  • Quote ng lumalabag di-umano na content

Mga kahilingang may kaugnayan sa mga lokal na batas

Hindi ibinabahagi ng Google sa Lumen ang pangalan o impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng humihiling.

Para sa mga kahilingan sa pag-aalis ng content na may kaugnayan sa mga lokal na batas, karaniwang nagbabahagi ang Google sa Lumen:

  • Mga iniulat na URL
  • Bansa ng kahilingan
  • Petsa ng kahilingan
  • Anumang dokumentong ibinigay bilang mga attachment na sumusuporta sa kahilingan, maliban na lang kung kumpidensyal
  • Paliwanag ng kahilingang ibinigay sa form ng kahilingan sa pag-aalis maliban na lang kung naglalaman ito ng pribadong impormasyon, tulad ng email address, na nire-redact bago namin ito ibahagi

Bilang pagbubukod sa itaas, puwede ring ibahagi ng Google sa Lumen ang pangalan ng indibidwal na humiling ng pag-aalis sa mga sitwasyon kung saan may mataas na antas ng interes ng publiko sa pagbabahagi ng impormasyong ito kasunod ng assessment batay sa bawat kaso.

Mga kahilingang may kaugnayan sa mga utos ng hukuman

Para sa mga kahilingan sa pag-aalis ng content batay sa utos ng hukuman, karaniwang ibinabahagi ng Google sa Lumen ang:
  • Uri ng kahilingan sa pag-aalis (utos ng hukuman)
  • Pangalan ng taong humiling
  • Mga iniulat na URL
  • Bansa ng kahilingan
  • Petsa ng kahilingan
  • Paliwanag ng kahilingang ibinigay sa form ng kahilingan sa pag-aalis (maliban na lang kung naglalaman ito ng pribadong impormasyon, tulad ng email address, na nire-redact bago namin ito ibahagi)
  • Ang utos ng hukuman na naka-attach sa kahilingan, maliban na lang kung kumpidensyal ito

Mga kahilingan mula sa mga ahensya at entity ng pamahalaan

Para sa mga kahilingan sa pag-aalis ng content mula sa isang entity o ahensya ng pamahalaan, karaniwang ibinabahagi ng Google sa Lumen ang:

  • Uri ng kahilingan sa pag-aalis (kahilingan ng pamahalaan)
  • Pangalan ng entity o ahensya ng pamahalaan
  • Mga iniulat na URL
  • Bansa ng kahilingan
  • Petsa ng kahilingan
  • Paliwanag ng kahilingang ibinigay sa form ng kahilingan sa pag-aalis
  • Anumang dokumentong ibinigay bilang mga attachment na sumusuporta sa kahilingan, maliban na lang kung kumpidensyal

Mga notification sa page ng mga resulta ng Google Search

Kapag naapektuhan ng legal na pag-aalis ang isang page ng mga resulta ng Google Search, posibleng may lumabas na abiso sa ibaba ng page na iyon. Naka-link ang abisong ito sa kahilingan sa pag-aalis ng content na ibinahagi ng Google at na-publish sa Lumen at naglalaman ito ng impormasyon gaya ng nakadetalye sa itaas.

Pangunahing menu
1296943285624879337
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false