Para maprotektahan ang mga karapatan ng mga may-ari ng copyright, nagpapatupad ang Google ng patarakan sa paulit-ulit na lumalabag sa copyright kung saan posible kaming magsagawa ng pagkilos laban sa mga user na paulit-ulit na ginagamit nang mali ang aming mga serbisyo sa pamamagitan ng paglabag sa mga pamantayan sa copyright ng Google at mga lokal na batas.
Mahigpit na ipinapatupad ang aming patakaran sa paulit-ulit na lumalabag para magsagawa ng mabibilis na pagkilos sa sandaling magkaroon ng abiso laban sa mga user na paulit-ulit na ginagamit nang mali ang aming mga serbisyo sa ganitong paraan.
Sino ang itinuturing na paulit-ulit na lumalabag at paano ito natutukoy?
Sa ilalim ng patakaran ng Google, ang ‘paulit-ulit na lumalabag’ ay sinumang user na palaging hindi nakakasunod sa patakaran sa paulit-ulit na lumalabag ng Google. Posibleng dahil ito sa maraming matagumpay na reklamo sa copyright laban sa kanya sa loob ng nakasaad na yugto ng panahon at posible itong humantong sa paghihigpit sa account ng paulit-ulit na lumalabag.
Kung makatanggap kami ng valid na reklamo sa copyright na tumutukoy ng labag na content na na-publish sa anuman sa mga produkto ng Google, aalisin ang content. Kung masyadong madalas itong mangyari, magsasagawa kami ng pagkilos laban sa account at aabisuhan ang user. Kapag nagsagawa kami ng pagkilos laban sa account, posibleng pigilan o paghigpitan ang user sa pag-access ng mga serbisyo ng Google hanggang sa makatanggap at makapagproseso ng matagumpay na apela.
Mag-iiba-iba depende sa produkto kung ano ang itinuturing na masyadong maraming paglabag at kung ano ang hahantong sa pagkilos sa account. Ang aming pasyang paghigpitan ang isang account ay ibabatay sa lahat ng available na ebidensya, kabilang ang mga pagsasaalang-alang tulad ng mga sinasabi ng may-ari ng copyright, kung mabilis na inalis ang content, at anumang matagumpay na apela laban sa mga indibidwal na paglabag o laban sa paghihigpit sa account.
Mayroon bang anumang opsyon sa pag-apela?
Layunin naming gawing accessible sa mga user ang aming mga platform. Kaya naman, isinasaalang-alang namin ang mga pagbawi at pag-apela kapag ipinapatupad ang aming patakaran sa paulit-ulit na lumalabag.
Mga Pagbawi
Ang pagbawi ay isang kahilingang isinusumite ng nagrereklamo sa Google para bawiin ang reklamo sa copyright na dati niyang ginawa. Susuriin ng Google ang mga pagbawi at ibabalik nito ang content na dating inalis kapag naaangkop. Isinasaalang-alang lang ang mga pagbawi kapag isinumite ang mga ito ng orihinal na nagrereklamo nang may valid na dahilan. Hinihikayat namin ang mga user na direktang makipag-ugnayan sa nagrereklamo para humiling ng pagbawi o makipagkasundo, bago maghain ng apela sa Google.
Mga Apela
Mag-apela ng indibidwal na reklamo sa copyright
Kung inalis dahil sa reklamo sa copyright ang iyong content sa anuman sa mga produkto ng Google at sa palagay mo ay may pagkakamali o natutugunan mo ang mga karapatan para magamit ang materyal na pinoprotektahan ng copyright, puwede kang mag-apela para maiwasan ang pagiging paulit-ulit na lumalabag. Pakisunod ang mga tagubiling ito para gawin ito:
- Kung inalis ang iyong content alinsunod sa reklamo sa DMCA, puwede kang maghain dito ng counter-notice. Pakibatid na ang paghahain ng counter-notice ay posibleng humantong sa mga legal na paglilitis sa pagitan mo at ng nagrereklamong partido. Sa sandaling matanggap namin ang iyong counter-notice, ipadadala namin ito sa partidong nagsumite ng orihinal na habol para sa paglabag sa copyright. Puwede kang magbasa pa tungkol sa mga counter-notice sa aming FAQ.
- Kung inalis ang iyong content alinsunod sa reklamo sa lokal na batas sa copyright, puwede mong i-dispute dito ang notification.
Mag-apela ng paghihigpit sa account
Kung pinaghigpitan ang iyong Google account sa bisa ng aming patarakan sa paulit-ulit na lumalabag dahil sa maraming lehitimong reklamo sa copyright, puwede kang maghain dito ng apela. Pakitandaang posibleng atasan kang ayusin ang lahat ng paglabag sa copyright na humantong sa paghihigpit sa iyong account bago ang pagbabalik.
Nagbabalik lang kami ng mga account kung lubos na nararapat ayon sa sitwasyon. Kaya naman, mahalagang maglaan ka ng oras para maging detalyado, tumpak, at matapat. Kapag naproseso na namin ang iyong apela at naniwala kaming hindi na kinakailangan ang mga paghihigpit, agad na aalisin ang mga iyon. Kung hindi matagumpay ang iyong apela, patuloy na paghihigpitan ang account mo hanggang sa baguhin mo ang lahat ng paglabag sa copyright at maghain ka ng bagong apela.