Puwede mong i-export at i-download ang iyong data mula sa Mga Paalala. Puwede mong i-download ang data na hindi pa nade-delete. Puwede kang gumawa ng archive na magagamit mong sanggunian o puwede mong gamitin ang data sa ibang serbisyo. Alamin kung paano i-download ang iyong data.
Kung gumagamit ka ng account sa trabaho o paaralan, posibleng hindi available ang ilang data para sa pag-download. Kung isa kang super administrator ng iyong Google domain, puwede mong i-download o i-migrate ang data ng iyong organisasyon. Alamin kung paano i-export ang data sa Google Workspace ng iyong organisasyon.
Posibleng kasama sa mae-export na data mula sa Google Reminders ang:
- Pamagat
- Oras ng pagkakagawa
- Mga na-archive, nalalapit, at aktibong paalala
- Petsa ng pag-expire
- Impormasyon ng pag-ulit
- Ang application na gumawa sa paalala, gaya ng Keep
- Lokasyon