Masusubaybayan mo ang mga gawain sa pamamagitan ng paggawa ng listahan sa Keep.
Gumawa ng bagong listahan
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Keep app .
- Sa ibaba, i-tap ang Bagong listahan .
- Magdagdag ng pamagat at mga item sa iyong listahan.
- Kapag tapos ka na, i-tap ang Bumalik .
Gawing listahan ang isang tala
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Keep app .
- Mag-tap ng tala.
- Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Magdagdag .
- I-tap ang Mga Checkbox.
Baguhin ang pagkakasunud-sunod ng mga item sa listahan
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Keep app .
- Pumili ng listahan.
- Sa kaliwa ng item na gusto mong ilipat, i-tap at i-hold ang Ilipat .
- I-drag ito kung saan mo gusto.
Puwede mong i-update ang mga setting para magdagdag ng mga bagong checkbox sa itaas o ibaba ng isang listahan.
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Keep app .
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Mga Setting .
- Sa "Mga Opsyon sa Display," puwede mong lagyan o alisan ng check ang "Idagdag ang mga bagong item sa ibaba."
- Kung lalagyan mo ng check ang opsyong iyon, makakapagdagdag ka ng mga bagong checkbox sa ibaba ng isang listahan.
- Kung hindi mo lalagyan ng check ang opsyong iyon, makakapagdagdag ka ng mga bagong checkbox sa itaas ng isang listahan.
Mag-indent ng item sa listahan
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Keep app .
- Pumili ng listahan.
- Sa kaliwa ng item na gusto mong i-indent, i-tap at i-hold ang Ilipat .
- I-drag ang item pakanan. Para mag-undo, i-drag ito pakaliwa.