Masusubaybayan mo ang mga gawain sa pamamagitan ng paggawa ng listahan sa Keep.
Gumawa ng bagong listahan
- Sa iyong computer, pumunta sa Google Keep.
- Sa tabi ng "Magtala," i-click ang Bagong listahan .
- Magdagdag ng pamagat at mga item sa iyong listahan.
- I-click ang Tapos na.
Gawing listahan ang isang tala
- Sa iyong computer, pumunta sa Google Keep.
- Mag-click ng tala.
- I-click ang Higit pa .
- I-click ang Ipakita ang mga checkbox.
Baguhin ang pagkakasunud-sunod ng mga item sa listahan
- Sa iyong computer, pumunta sa Google Keep.
- Pumili ng listahan.
- Ituro ang item na gusto mong ilipat.
- Sa kaliwa, i-click at i-hold nang matagal ang Ilipat .
- I-drag ang item kung saan mo gusto.
Puwede mong i-update ang mga setting para magdagdag ng mga bagong checkbox sa itaas o ibaba ng isang listahan.
- Sa iyong computer, pumunta sa Google Keep.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga Setting.
- Sa "Mga Tala at Listahan," puwede mong lagyan o alisan ng check ang "Idagdag ang mga bagong item sa ibaba."
- Kung lalagyan mo ng check ang opsyong iyon, makakapagdagdag ka ng mga bagong checkbox sa ibaba ng isang listahan.
- Kung hindi mo lalagyan ng check ang opsyong iyon, makakapagdagdag ka ng mga bagong checkbox sa itaas ng isang listahan.
Mag-indent ng item sa listahan
- Sa iyong computer, pumunta sa Google Keep.
- Pumili ng listahan.
- Ituro ang item na gusto mong i-indent.
- Sa kaliwa, i-click at i-hold nang matagal ang Ilipat .
- I-drag ang item pakanan. Para mag-undo, i-drag ito pakaliwa.
Tandaan: Hindi mo mai-indent ang unang item sa listahan.